His Wife (28) Our Love Story

29.8K 301 17
                                    

JAYDEN CADE MERCADO'S POV

Alas sais pa lang ng umaga, pumapasok na siya sa school. Dinadaig ko na nga yung guard namin sa school eh, si Kuya Sammy. Maaga pa lang talaga, gumigising na ako para makapasok at masundan at mamanmanan ang aking nililigawan and yeah, minamahal. Tch. Gay right? Pero mahal na mahal ko siya, kahit tinuturing niya akong sakit sa ulo. Maaga siyang pumapasok kaya mas inaagahan ko yung pasok para makita ko kung safe siya. May gulo, away, suntukan, nangongopya, nagkakalat… Lahat ng problemang yan, makakaharap niya kasi siya ang Presidente ng College Council, and yes… Presidente ng College Council ang babaeng natitipuhan ko, si Emerald Thalia Soriano. 1st year ng Architecture. Parehas kami ng course. Ewan ko ba pero bakit sa dinami dami ng babae sa campus siya pa? Eh bukod sa lagi siyang masungit sakin eh lagi niya pa akong inisnob.

 

 

 “ Emeraaaaald~ Omygawd! Gising na Bruha!” sigaw ng isang matinis at nakakainis na boses. Hindi ko na kailangang tignan kung sino iyon, isa lang naman ang may ganoong boses eh. Rinig kong ginigisng niya si Emerald. Alam kong napapagod na din si Emerald KO sa kakaayos ng mga gulo kaya minsan nakakatulugan na lang niya yung ibang Gawain. Perfectionist yata ang HONEY KO!

 

 

“Pssssh!” bawal naman ng mga kaklase niyang nagrereview. May review kasi sila sa Design. Napatakip naman si Monica sa bibig niya ng wala sa oras at nagpacute na parang humihingi ng sorry.

 

 

“ I have a chicka, President! You’re super gwapo na manliligaw na si Jayden Cade Mercado, will lipat lipat here in our block!” kumikinang kinang pa na sabi niya, nagtilian naman yung mga kaklase niyang babae at walang anu-anong inilapag yung mga notebook nila at lumapit kay Monica. Naflatter naman ako sa puri ni Monica. And yeah, lumipat ako ng klase para lang kay Emerald. Para mapalapit na ako sa kanya.

 

 

“ Omygawd!? Si Jayden Cade Mercado ng pang-afternoon block ay mapupunta dito!?” tanong ni Mica. Pang-afternoon na block kasi ako at well, medyo sikat rin ako.

 

 

“ Oo naman! Narinig ko kanina na pinaguusapan siya eh! Ang swerte mo Emerald!? Sinusundan ka ng suitor mo!” nakangisi namang sagot ni Monica. Hay nako, nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Emerald. Lagi kasi akong nakabunton sa kanya, kaya lagi din siyang naiinis sa akin eh. Namamartir na yata ako… pilit ko siyang hinahabol kahit ayaw niya sakin. Pero hayaan na! Mahal ko eh.

 

 

“ Sa wakas classmate na natin siya!” tili naman ni Selina. Well, si Selina ang president ng fans club ko. Haha. May gusto yan sakin eh, pero hindi ko siya pinapansin kasi may iba akong gusto… si Emerald nga.

 

 

“Ssssh! Quiet, and Selina, akin na yung phone mo, capture yan. Cellphone is a total ban.” Masungit na sabi ni Emerald. Sanay na sila, alam ko. Medyo maypagka masungit kasi si Emerald eh.

 

 

“ President naman!” nakapout na apila ni Selina. Ayaw kasi ng may nalalabag na batas si Emerald kaya may pagkamahigpit siya. Fierce… and I like it.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon