His Wife (11)

34.5K 379 67
                                    

Chapter 11

Nakauwi kami ng Pilipinas ng matiwasay. Well, sabay kami ni Hiro. Napakabait niya sa buong biyahe namin. He let me rest my head on his shoulder, sing a lullaby song for me, tap my shoulder. He even ordered the stewardess to bring one of my favorite dishes. He also remembered na may allergy ako sa tempura kaya hindi iyon yung inorder niya. How sweet of him pero bakit hindi ako masaya? Bakit may parte ng pagkatao ko na hindi kontentoDahil ba… alam kong hindi si JC si Hiro? Dahil ba ineexpect ko  na sana si JC si Hiro?

“ Baby? Gising ka na. Lalapag na yung plane” Hiro said as he kiss my head.

“ Para ka palang si Sleeping Beauty eh. Hahalikan muna bago gumising. So how’s your sleep, baby?” tanong niya sakin. Nag ok sign naman ako bilang sagot. Baby… how I wish na may gawing endearment din si JC sa akin. Na sana tawagin ako ni JC sa endearment na iyon. Shit Emerald! Stop thinking about your goddamn husband! He’s just hurting you. You’ll move on na diba?

“ Hiro, kukunin ko sana yung mga damit ko sa bahay namin ni JC, would you mind?”tanong ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Dahil sa ngiti niyang iyon, napangiti na lang ako. Pero, alam ko sa ngiting iyon, wala dun yung hinahanap ko. Ano ba ang mga qualities na hinanap ko sa isang ngiti? Yung kay JC. Yung kay JC na lumalabas yung dimples. Yung kay JC na nakakapagpatigil sa ikot ng mundo ko. Yung kay JC---- EMERALD THALIA! Stop thinking na kasi… nasasaktan ka lang.

Pagbaba namin ng eroplano, hindi ako hinayaan ni Hiro na magbuhat kahit na anong bagahe. Hindi katulad ni JC, na kahit bagahe niya pinabuhat sa akin. Pinagbukas din niya ako ng pinto ng kotse. Siya yung nagdrive ng kotse papunta sa bahay namin, pero laking gulat ko ng nandoon na agad si JC sa labas ng bahay namin. Para siyang may hinihintay. Hinawakan naman ni Hiro yung kamay ko.

“ Gusto mo, ako na lang kumuha ng gamit mo?”tanong sakin ni Hiro. Umiling naman ako.

“ Okay lang. Ako na. Sira ka talaga. Hahaha. Hintay mo na lang ako”sabi ko after I faked a laugh. Bumaba na ako ng kotse then nagtuloy tuloy sa loob ng bahay. Naramdaman ko namang sumusunod si JC sa akin. Then suddenly, hinarap niya ako sa kanya.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon