His Wife (19)

26.5K 304 29
                                    

*** Well, first of all. Nagpapasalamat po ako sa inyong matiyagang paghihintay.

*** Then, thank you po sa suporta niyo. Dati, mga 3 reads lang ito, pero dahil sa inyo, 9000 na siya. Thankyouuuu.

*** Dinededicate ko din ito sa aking ate na si LOUISENACO. Haha, babawi ako Ate, hintayin mo lang. Anyways, good luck sa competition nasasalihan mo. Huwag mabubulol! :* Labyouuuuuu

Pakiramdam ko, papanawan ako ng ulirat. Gusto ko nang magpakamatay pero hindi ko kaya… kahit paano, may pananalig pa rin naman ako sa Diyos. Pabaling baling yung ulo ko. Nalilito… natatakot. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Dati naman na akong takot, pero hindi sa ganitong bagay. Kumikirot yung mga sugat ko pero hindi ko na iyon pinansin. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, malamang sa malamang ganito rin ang mararamdaman mo. Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin, nakita ko si Hiro. Ngumiti siya sakin pero yung ngiting yun, parang puno ng pag-aalala. Malamang, namatayan siya ng kapatid. Si Tristan. Alam ko, hindi sila close ni Tristan, pero kapatid pa rin nila iyon.

“ Anong nararamdaman mo, mahal kong prinsesa?” tanong niya sakin. Buti pa siya, dumadalaw sa akin.

“ Ayos lang, medyo makirot lang yung sugat ko” ngumiti ako pero pilit iyon. Iniisip ko pa rin yung mga katagang iyon na kahit sa panaginip, hindi ko maatim. Yung mga katagang namutawi sa labi ni Ate Max na:

“ Iniwan ka na niya”

 

 

“ Iniwan ka na niya”

 

 

“ Iniwan ka na niya”

 

 

 

 

 

“ Era! Tulala ka.” Untag ni Hiro sakin. Wala kasi si Ate Maxene ngayon eh, inaayos yung papeles para sa kasal nila ni Kuya John.

“ G-ganun ba?” tanong ko. Pero nanatili pa rin akong tulala sa hangin, iniisip ko kung ano yung mga gagawin ko. Iniisip ko kung ano yung mga dahilan kung bakit ako iniwan ni JC. Bakit? Kung kelan magulo kami ngayon?

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon