His Wife (10)

34.7K 424 79
                                    

Nagising ako dahil mat humahaplos sa pisngi ko. Minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko agad si Hiro na nakatitig lang sa akin. Malamlam at malalim na yung mga mata niya na parang hindi siya natulog. Makikita mo talaga yung kagalakan sa mukha niya dahil siguro sa paggising ko. Dali- dali naman niya akong hinalikan sa pinsgi. Kung sa ganito si JC. Sana… puro na lang sana. Bumalik sa memorya ko ang napagdesisyonan ko bago ako mawalan ng malay. Tinignan ko si Hiro at unti-unti… naglandas na naman ang mga luha ko. Desidido na talaga ako.

                                             

“ Ayaw ko na Hiro…” iiling iling na sabi ko habang kinocomfort niya ako. Naramdaman ko namang humigpit yung yakap niya.

“ Sabi ko naman kasi sayo… nandito lang ako”sabi niya sakin at tinitigan ako. Sana pala, dati pa ako sumama para hindi na ako nasaktan ng ganito. Para hindi na ako nagpakamartir ng ganito.

“ Sana pala… ikaw na lang”mahinang bulong ko. Sana pala si Hiro na lang ako minahal ko para hindi ko nararanasan ang sakit na nadarama ko nagyon. Pero hindi dapat ako maging selfish diba? May sarili din namang buhay si Hiro. Hindi ko dapat siya pinapaasa ng ganito.

“ Oo nga. Ang swerte ni Kuya. Don’t worry, I’ll take you from him. I’ll never hurt you like he do” sabi niya sakin. Napatango naman ako ng wala sa oras. Hindi na ako nag alinlangan na tumayo mula sa kama at iligpit na ang mga gamit ko. Para saan pa na mananatili ako rito? Para masaktan lalo? After my stay here in Paris, pupunta na agad ako ng Pilipinas para hanapin at ayusin ang sarili ko. I’ll leave JC.

“ I bet, wala ka pang napupuntahan dito” sabi ni Hiro habang nakatingin sa kalsada. He accepts me daw pero I did not give him any guarantee kasi kahit anong panloloko sa sarili ang gawin ko. Iwan ko man si JC, alam ko parin sa sarili ko na patuloy ko pa rin isyang minamahal.

“ Wala pa” sabi ko. Totoo naman, yung last na labas ko, napahamak pa ako. Kung hindi nga dahil kay Hiro baka napahamak na ako. Thanks to Hiro. Bumyahe kami papunta sa parang city square at nagpark sa isang coffe shop named Lavender Monde. Ang cute nung coffeshop kasi puro violet siya. Puro couples ang nasa loob.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon