His Wife (05)

37.4K 473 61
                                    

Halos alas onse na ng gabi ay pinili ko pa ring manatili sa opisina. Ayoko munang umuwi sa bahay. Alam ko namang, wala din naman si JC doon eh. Binigyan ko na lang ng pamblow out yung mga tauhan ko. Hindi mawala wala sa isip ko yung sinabi ni Hiro. May gusto siya sakin. Kailangan ko siyang layuan simula ngayon. Baka isa pa siya sa mga dahilan para mas lalo akong kamuhian ni JC.

Haaaay… JC. Ano kayang ginagawa ng asawa ko? Sino kayang kasama niya? Nasaan kaya siya? Naalala niya kaya yung birthday ko? Ilang taon na ba kaming kasal? Ilang taon na ba siyang galit sakin? Ilang taon na ba ako nagcecelebrate ng birthday na mag-isa?

Wala ako sa concentration. Iyon lang ang alam ko. Ni hindi ko nga alam yung pinag gagawa ko. Ang balak ko sana eh itayo yung dream house ko, pero natawa na lang ako ng makita ko yung design. Parang pampatay. Puro black ang kulay. Bigla namang nagring yung phone ko, si JC yung tumatawag.

“ Where are you?” malamig na tanong niya, ewan ko pero I feel like crying. Wala man lang greetings?

“ In the office, working” sagot ko. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga. Ano na naman kaya? Maguutos na naman kaya siya? Oh baka idemote niya ulit ako?

 

“ About earlier… the demotion thingy?” tanong niya. Iyan na naman eh.Wala na ba akong pahinga para sa mga pinag gagawa niya?

“ Don’t worry. Okay lang. Bye, marami pa kasing paperworks dito sa office. If you want to confirm that I’m here in the office, just ask the guard” sabi ko at ibababa na agad yung tawag nung magsalita ulit siya, this time, umiyak na talaga ako. No, mali pala. Hindi lang iyak ang ginawa ko, humagulhol na ako. After almost 5 years of marriage this is the very first time na binate niya ulit ako. Mababaw ba? Hindi, you can’t blame me. It’s been 5 years simula nung magcelebrate ako ng birthday ko ng mag-isa. Mag-isa sa sense na nararamdaman kong ako lang yung nakikicelebrate. Si Hiro, he never fails to greet me. Hiro… parang biglang bumalik sakin yung alaala kanina sa rooftop. It’s Hiro’s offer. Sana si Hiro na lang. Pero ngayon pa ba ako manghihinayang kung PARANG nagsisimula ng magbago si JC, in a way na nabati na niya ako sa birthday ko?

“ I’m coming over there, Emerald. Happy Birthday” sabi niya lang at siya na din ang nagbaba ng tawag. JC… Hindi mo alam kung gaano mo pinasaya ang birthday ko, you made my birthday complete by just greeting me.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon