.MHM.28- MY VIRGIN EYES! OH NO!

9.3K 102 7
                                    

APPLE's POV

I open the envelope and as expected, ayun nakatanggap na naman ako ng picture, nakakaexcite nga kaya lang palagi naman akong nadi-disappoint sa mga natatanggap ko kasi sobrang hirap pa rin ma-identify kung sino talaga sya,  Three days na din ang nakalipas mula ng malaman ko na may secret admirer pala ako, nakakatuwa na nakakakilig, kahapon hindi sya naglagay ng picture sa locker ko baka nakalimutan nya pero ngayun isang larawan naman ng kanyang mga bisig ang pinadala nya sa akin, natuwa naman ako kasi mapagdudugtong ko na yung mga palad nya hanggang sa shoulders nya,  mas nauna kasi nyang ipadala yung picture ng shoulders nya bago yung mga arm nya na magdudugtong sa kanyang palad.

Itatabi ko na sana ito sa bag ko ng maalala ko na palagi nga palang may kalakip na sulat ang bawat litrato na ipinapadala nya, yung natanggap ko yung shoulders na picture nya ay may kalakip na sulat..

     - YOU CAN LEAN ON ME

    - I'm here to embrace and give you warm always.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin, natutuwa ako sa effort na binibigay nya, aaminin ko na he never fails to impress me, hindi ko akalain na may ganun ka-sweet na tao dahil wala namang nagparamdam sa akin ng ganito, sya lang. Nakakatuwa kasi hindi ko man aminin, alam ko sarili ko na napapasaya nya ako, gusto ko na nga syang makilala so that I can personally thank him dahil tinutulungan nya akong magmove-on, bitter man ako pagdating kay james hindi ko naman isinara ang puso ko para magmahal ulit kasi alam ko na kahit gaano man ako masaktan, lahat ng ito worth it once na matagpuan ko na yung tamang lalaki para sa akin.

Papunta ako ngayon sa park, simula nung huling pag-uusap namin ni james pinilit ko na ang sarili ko na makalimutan sya at tingin ko nagwo-work naman kung hindi na muna sya magpapakita sa akin,  hindi malabong mangyari yun pero minsan napapaisip din naman ako kung bakit nya sinabing mapapasakanya ulit ako kung hindi naman sya gumagawa ng moves para makuha ako at dahil dun alam ko na hindi sya seryoso, mas mabuti na rin ito dahil matutunan ko ng magmahal ng iba.

Naupo ako sa ilalim ng punong mangga dito sa may tagong lugar, maganda sya sa totoo lang pero para sa akin mas maganda pa rin yung mga tao na nage-enjoy at natutuwa sa lugar na ito, mas magandang pagmasdan yung mga ngiti nila sa mukha na nakakahawa,  kaya ngayun hindi ko namamalayan, nakangiti na rin pala ako.

Nakakatuwang isipin na matapos ang lahat ng mga nangyari, nagagawa ko ng ngumiti, na kahit gaano ako nasaktan hindi ko inisip na gumanti kay james kasi naniniwala ako na The best revenge? Happiness. Nothing drives people more crazy than seeing someone's having a good life.

Natigil ako sa pag-iisip at napatayo sa kinauupuan ko ng makaramdam ako ng mga tumatalsik na tubig sa akin, agad ko itong sinilip na sana hindi ko na lang pala ginawa. Nanlaki ang mga mata ko na halos lumuwa na sa sobrang pagkabigla..

"AAAH!" pumunit ang isang napakalakas na hiyaw sa buong playground

I'm going hysterical! ayoko na!

nakakita ako ng isang taong umiihi sa harap ko, sana talaga hindi ko na lang sya sinilip. Automatic na biglang nagmamadaling isinara nung lalaking walang modo ang zipper ng pantalon nya

"AAAAHHH!" hindi pa rin ako tumitigil sa pagsigaw

para pang nakakaloko,  nananadya na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang itsura nung ano nya. Oh my! kill me! kill me now! My virgin eyes! oh no!

"aaah! walanghiya kang lalaki ka! bastos!..aaah!" wala pa ring humpay ang paghiyaw ko at wala akong balak tumigil

"nakakainis ka,bakit ka ba kasi dya--"

nanlaki ng sobra ang mga mata ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko, shit!
Sa sobrang inis ko ay inapakan ko ang paa nya

"aray!" Daing nya

sinamaan ko lang sya ng tingin habang pinupunasan ko yung bibig ko

"kadiri kang lalaki ka!" sigaw ko sa kanya

"pwede ba miss kumalma ka muna, pwede?" sabi nya na may halong pagkairita, sya pa ang may ganang mairita.

"kalma? gusto mo akong kumalma? ayos ka lang ba o baka gusto mong upakan kita dyan?"

hinimas nya ang likod ng ulo nya and gave me an apologetic smile

"okay miss, look..sorry, hindi ko alam"

"hindi mo alam? Talaga lang ha"

"miss sino ba namang lalaki ang gustong makitaan ng hindi sinasadya ng isang--tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa---ng isang kagaya mo?"

"and what do you mean by that?" Mataray kong tanong

"miss sorry di ko naman sinasadya!"

hindi ko sya pinakinggan bagkus ay pinaghahampas ko sya

"walangya ka talaga at may gana ka pang hawakan at takpan ang bibig ko! alam mo ba kung anong ginagawa mo ha? gusto mo na bang mamatay?"

"miss kung itinitigil mo muna kaya yang kakasalita mo ha?" iritado nyang sabi sa akin

"ako pa ha, ako pa! bwisit k---aahh! ano ba!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko yung likod nya matapos nya akong buhatin na parang isang sako ng bigas

"hay-p ka talaga bwisit! Ibaba mo nga ako"

"sinabi ng huwag kang maingay!"

nagulat na naman ako ng hampasin nya ang pwet ko, woa .

"hoy! nakakarami ka na, minomolestya mo na ako!"

"shut up,will you?" singhal nya

Ipinasok na nya ako sa kotse at ini-lock pa para siguruhin na hindi ako makakalabas, great!

"now, kalmahin mo muna yang sarili mo, sapakin kita e" sabi nya

"paano ako kakalma? ang manyak-manyak mo eh!"

"ayan ka na naman, makinig ka nga muna kasi!"

"sige! paano mo ipapaliwanag yun ha?!"

"because I want to pee"

"pee?! grabe sa lahat naman ng lugar sa puno pa na yun ha!"

"alam ko bang nandoon ka?!"

"mister, kahit saang anggulo mo tingnan ikaw ang mali, yang mga kagaya mo ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan"

"paano napunta sa kalikasan ang pinag-uusapan natin? tsaka pwede ba?ano bang ipinuputok na butse mo?!"

"yon ay dahil nakita ko ang a-ang y-y-yung ah kainis!" ipinadyak ko na lang ang paa ko sa sobrang frustration

he grinned

"anong problema dun?"

hindi makapaniwalang tiningnan ko sya

"seriously?! oh I can't believe this"

inilagay nya ang dalawang kamay nya sa likod ng ulo nya

"hay! I knew it! You like what you saw?"

ang panlalaki ng mata ko ay sinabayan ng pagbukas ng bibig ko sa gulat, ano bang klaseng lalaki ito?!

"alam mo dapat natutuwa ka na lang! Welcome to the real world" sabi nya at ibinuka pa ang dalawang kamay

"ganap ka ng dalaga..hahaha!" dagdag nya pa, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nya kaya nakatulala pa rin ako..

After a few minutes..
 

"Ow! ARAY! MISS! TAMA NA, ARAY!"

kinuyog ko sya, pinagsisipa, sinabunutan, tinadyakan, in short binalian ko sya ng buto!

"Yan ang bagay sa'yo!" s

Then I walked out from his car, cursed him.

---

FigsAraza
September 21, 2012
Edited

Make him mine [Chasing the devious guy!]Where stories live. Discover now