.MHM.3- IT's GOING TO BE A LONG JOURNEY!

14.1K 151 11
                                    

APPLE's POV

Naiinis na bumangon ako pagkatapos kong itapon ang alarm clock sa tabi ng kama ko

"ang ingay mo!" sigaw ko sa orasan na para bang naiintindihan ako nito

huminga ako ng malalim at napangiti ng madako ang tingin ko sa larawan na nasa kisame ko

"Good Morning bebehon!" masiglang bati ko

I searched him lastnight , sikat pala talaga sya kaya naman hindi ako nahirapang hanapin sya

may sarili nga syang fanpage e, mukhang marami na agad akong karibal sa kanya

ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko sya kilala kung sikat sya?

pagkatapos ng magdamag kong paghahalungkat ng mga litrato at lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanya ay tinanggap at inamin ko na sa sarili ko na gusto ko sya

hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya pero iba talaga e

ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito sa isang lalaki

After fixing myself ay pumasok na ako , I am so excited to see him.

Hindi na nakakapagtaka ang mga matang nakatitig sa akin habang naglalakad

they always do that, they always wanted to kill me with their eyes, hindi ko alam kung bakit kailangan

nilang maging bitter sa akin, kasalanan ko bang mas maganda ako kaysa sa kanila?

natigil ako sa paglalakad ng biglang magkumpulan ang mga kapwa ko estudyante at ang lakas ng mga tili nila

may bagong estudyante ba kaya sila ganyan?

lalampasan ko na sana sila dahil mas gusto kong hanapin si bebehon pero nahagip ng mata ko ang isang bulto ng gwapong lalaki

"tingnan mo nga naman, destiny talaga tayo" sabi ko sa sarili ko habang nakangiti at papalapit sa kanya

bakas ang pagkagulat sa kanya ng magtama ang mga mata naming dalawa na unti-unti ring nagbago at napalitan ng pagkairita

"why do you always stare?" he asked ignoring the girls around us

"Reena Apple Maye, and you are?" hindi ko pinansin ang tanong nya bagkus ay nagpakilala

"James" maikling sagot nya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kamay ko bago mabilis na naglakad

kaagad ko syang hinabol at sinabayan sa paglalakad

"you wouldn't mind if I join you right?" nakangiting sabi ko sa kanya

hinihingal na ako dahil ang lalaki ng mga hakbang nya, pero kahit ganun ay pinilit ko pa ring sabayan sya

"What do you want?" tanong nya sa akin habang matalim na nakititig

"ikaw" hindi na ako nagdalawang isip na sabihin ang totoo

nasa genes ko na yata ang pagiging straight forward

"nothing's new, back off I am off limit" pagkasabi nya nito ay mabilis na naman syang naglakad

pero kahit gaano sya kabilis ay nagagawa ko pa rin syang sabayan

"sorry, but you can't just get rid of me that easily" buo ng kumpyansa kong sabi sa kanya

tumigil sya sa paglalakad at tinitigan na naman ako ng sobrang sama

"kung hindi ka lang babae, naupakan na kita e"

ganun ba sya kagalit sa akin? hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa parking kaya ng sumakay sya sa sasakyan nya ay nagmamadali ring akong sumakay

"who gave you rights to get in?!" pasuplado nyang tanong

I flashed my best smile before answering

"ako, sige na naman sasama ako sa'yo" nagpapaawa kong sabi sa kanya

matagal nya akong tinitigan bago magsalita

"nakakairita" sabi na lang nya ngunit pinaandar din naman ang sasakyan

sobrang saya ang nararamdaman ko ngayun dahil isinama nya ako

sana magtuloy-tuloy na ito, pero alam ko na mahaba at marami pang mangyayari

it will be a long journey, so might as well enjoy it?

Ming

June 29,2012

Edited

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon