.MHM.11- WHY?

9.4K 106 6
                                    

APPLE's POV

"ah! ka-stress talaga ang mokong na yun!" reklamo ko at ibinagsak ang sariling katawan sa kama ko

'sino ba kasi sya?'

'anong kailangan nya?'

Ilan lamang yan sa mga tanong na nais kong mabigyan ng kasagutan, naguguluhan na ako!

I heaved a deep sigh

ipinasya kong matulog na lang para mawala ang pag-iisip ko sa lalaking yun

hindi ko talaga mapigilan ang mapaisip kapag naaalala ko ang nangyari kanina

"aaah! siraulo ka talaga!" sigaw ko para mailabas ko ang frustration ko

and then I realized and was stunned ng lahat ng mga kaklase ko ay tumingin saken, nakalimutan ko nasa classroom nga pala ako.

nakatingin sila sa akin na para bang naiinis dahil naistorbo ko sila, pero me being me, I always couldn't care less!

I heaved a deep sigh, alam ko na may kasalanan ako sa pag-aaway namin ni james, pero sya rin naman! sobra yung mga salitang binitiwan nya sa akin

pano ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? pilit kong pinapaalala sa sarili ko na ako ang may gusto nito at walang pumilit sa akin

kahit na sobrang sakit ng mga sinabi ni james, gusto ko pa ring mag-sorry sa kanya, pinaghirapan ko ang mapalapit sa kanya at ayaw ko naman na basta na lamang yun mawala

magpapalipas muna ako ng isang linggo bago makipag-ayos sa kanya baka naman sa pagkakataong ito ay sya naman ang gumawa ng first move

I believe that I can only get the attention of the person I want when I stop giving mine, Then be it.

"oy!nagtext si ma'am wala daw klase..---YES! woooh!--pero..shh! wag maingay! sasagutan daw yung page 77, isa-submit daw next meeting" sabi ng class president namen

ang in a snap parang naging palengke ang buong classroom, lumabas na ako ng school, bibilhin ko na yung bagay na matagal ko ng gustong bilhin para samen ni james.

tumatakbo ako papuntang tindahan dahil natatakot ako na baka maunahan ako dahil nuong huling pumunta ako ay maraming tao at nag-aagawan sa paninda

ang tagal ko ng gustong bilhin yun di ko lang magawa kasi hindi ko na nilubayan si james

That devious guy!

mabilis akong naghanap ng makarating ako sa tindahan, itinago ko yun sa pinakailalim para walang makakita, maliit lang 'tong store na 'to parang souvenir shop

"manang, magkano po ito?" tanong ko sa nagtitinda

"500 iha" sabi ni manang

actually isa syang necklace,parang couple necklace kung tutuusin.

maganda sya at bagay na bagay 'to para sa amin ni james and I am really into romantic stuff like this.

binuksan ko ang wallet ko at laking pagkadismaya ko ng naiwan ko pala yung allowance ko

"wow!bakit ngayun pa?" naiinis na sigaw ko

"bakit iha?wala ka bang pambayad?" ah? paano ba to?

to be honest 300 pesos lang ang natira sa wallet ko!tsk!

bakit di ko napansin? sigurado naman di tatanggapin ni manang tong credit card dahil maliit na stall lang ito.

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon