.MHM.24- LEARN TO LOVE YOURSELF

9.2K 108 6
                                    

salamat sa paglagay sa reading list, nakakahiya.

APPLE's POV


"AAAAH!" sigaw ko ng di ko na mapigilan yung emosyon ko , ang sakit! , ang sakit-sakit!

ano bang kasalanan ko para magdusa ako ng ganito? bakit sa lahat ng tao ay sa kanya lang ako walang magawa?

I am vurnerable, hindi ko na alam kung papaano sisimulan ang bawat araw na alam kong wala sya sa tabi ko..na alam kong wala na lahat.

"wala na sya" sabi ko habang umiiyak

napatingin ako sa bumukas na pintuan ng kwarto ko, mabilis ko naman na pinahid ang luha ko ng makita ko si kuya, kahit alam kong helpless na rin naman na itago ko ang mga luha ko ay pilit ko pa rin itong sinusubukan na huwag ipahalata, ayaw kong kaawaan ako..  kahit na alam ko na sa mga panahong ganito ay wala akong ibang makakapitan kundi ang pamilya ko

"are you alright?" he asked habang pumapasok sa kwarto ko 

"t-nga ka ba kuya? hindi mo ba nakikita?" pagalit ko namang sabi sa kanya 

sorry kuya, sa iyo pa tuloy nabunton lahat ng inis ko.

"what happened?" he asked again ignoring what I've said

"kuya lumabas ka na!" pagtataboy ko, sa mga oras na ito ay wala akong gustong gawin kundi ang mag-isip isip.

pero sa halip na lumabas ay umupo pa sya sa silya na katabi ng kama ko

"kuya naman e,  hindi ka ba marunong makaintindi?" pagkasabi ko nito ay may tumulo na namang luha sa mga mata ko

he didn't respond, he just watched and let me shed my tears, kumuha ako ng unan at pinaghahampas sya

"nakakainis ka! wala kang kwenta! katulad ka lang din ng iba, wala kang isang salita!" sinasabi ko ito habang hinahampas si kuya sa isiping sya si james

Umiiyak lang ako, patuloy na bumabalik yung mga ala-ala, mga ala-ala na nagpapakita kung gaano ako kasaya kasama sya..ganun na lang ba yun?

hindi pa ako nakuntento sa paghampas- hampas kay kuya dahil sinabunutan at sinuntok ko pa sya

"bulag ka ba?, ang t-nga mo! ang t-nga - t-nga mo, akala mo, ikaw lang ang lalaki sa mundo, akala mo ba sa iyo lang iikot ang mundo ko...napakalaki mong g-go" patuloy lang ako sa pagbugbog kay kuya habang umiiyak

he really did break my heart,  me apart.

"shh, stop it" pag-alo nya sa akin habang yakap-yakap ako

"how can I stop kuya? hindi ko alam..hindi ko alam" nanghihina kong sabi

"alam mo, kaya mo yan..believe me..kaya mo" cheering me up

"kuya..." niyakap ko si kuya ng mahigpit

"kuya, may mali ba sa akin? anong ayaw mo sa akin? hindi pa ba ako sapat?" tanong ko sa kanya

ang sakit-sakit na matapos ang lahat, he will just left me hanging

"wala..t-nga lang sya kasi hindi ka nya kayang panindigan.."

"bakit? ako ba yung tipo ng babae na hindi kayang ipagmalaki? Yung hindi pinapanindigan? " pakiramdam ko ay bumaba ang tiwala ko sa sarili ko

"you're every man's dream, it's just that natatakot lang sya" kumawala ako sa yakap ni kuya, confused.

"natatakot?" kunot noong tanong ko sa kanya

"oo, natatakot sya because you're too good to be true, siguro ayaw lang nya na dumating yung araw na pagsawaan mo na sya" paliwanag ni kuya

"mukhang hindi naman kuya, tingnan mo nga sya pa ang unang nang-iwan" I doubt it

"kung ano man ang talagang dahilan nya sya lang ang nakakaalam nun" 

tama si kuya, sya lang ang may alam..napakahirap ng ganung sitwasyon na hindi mo naman alam kung ano talaga ang dahilan ng lahat ng ito

"ang dapat mo na lang gawin ay ang ipakita na malakas ka, na kaya mo ng wala sya..na kaya mong mabuhay ng wala sya sa tabi mo" payo nya

"ikaw ang tipo ng babae na minamahal, inaalagaan at iniingatan"

"may mga tao nga lang na walang lakas ng loob para ipahayag ang tunay nilang nararamdaman" dagdag niya

"kuya, sya ang unang taong minahal ko ng ganito, alam mo yun di ba? pero sya rin yung tao na naglagay ng galos sa puso ko"

"move on..maybe he's not the one"

As clihè as it may sound but it is really so easy to say but almost a lifetime for me to do, ngumiti ako ng mapait.

"napakadaling sabihin kuya, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula"

" simulan mo sa pagmamahal sa sarili mo, mula ng makilala mo ang lalaking yan..kinalimutan mo na lahat, ang reputasyon na matagal mong iningatan, ang pangarap mo, mga grades mo..minsan di ka na din umuuwi dito sa bahay" 

napatingin lang ako kay kuya...ganun ba ako naging kapabaya?

"apple..hindi mo magagawang magmahal ng isang tao kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo"

tahimik lang ako dahil sa totoo lang ay rumerehistro lahat sa utak ko ang mga sinasabi ni kuya

si kuya na minsan lang sya umimik pero kapag naman nagsalita na ay napakalalim

"ipakita mo sa kanya na kaya mo, mas ayusin mo ang sarili mo, hayaan mong marealize nya kung gaano sya katanga para pakawalan ka"

napaisip ako..tama.. alam kong iyon ang tamang gawin, ang ipakita na masaya ka..na kaya mo..kahit na ang totoo naman ay halos mamatay-matay ka na sa sobrang sakit na iyong nararamdaman

oo tama! mahirap, mahirap kung ang pag-uusapan ay ang salitang move on

"maraming nagmamahal sa'yo apple"

alam ko, alam kong maraming nagmamahal sa akin pero dahil sa labis na pagmamahal ko kay james, hindi ko na sila napansin

"there's so many fish in the sea, don't settle for a shark, marami apple, meron pa ngang nemo at dory e " yan ang mga katagang huli nyang sinabi, trying to make me laugh

naiwan akong nakatulala , yun nga siguro ang dapat kong gawin..

simula ngayon, mamahalin ko na ang sarili ko, hindi ko na hahayaang masaktan ako ng ganito..

I will learn to prioritize first and respect myself..bago ko buksan ulit ang puso ko at alam ko na magagawa ko ito kung gugustuhin ko.

--
August 26, 2012
Mingming
Edited

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon