.MHM.10- TANTRUMS

9.5K 130 10
                                    

APPLE's POV

"now cook" yan agad ang sinabi nya sa akin ng makauwi kami ng condo nya

"wow! hindi mo man lang ba gagamutin ang paa ko?" pagpapaawa ko sa kanya

"nakalakad ka nga paakyat dito e, apple I know what you're doing, stop it" masungit nyang sabi

so alam nya all the time na nagkukunwari lang akong nasprain?

I heaved a deep sigh

"sige na magluluto na ako"

kahit na hindi naman talaga ako marunong, pasimple akong bumili ng cookbook kanina kasi wala talaga akong ideya pagdating sa pagluluto

sobra akong kinakabahan ng matapos ko ang pagluluto ng caldereta, kahit hindi masarap sana makita nya yung effort ko kasi hindi ko naman talaga ito ginagawa

"james, luto na, kain na tayo" aya ko sa kanya na pilit itinatago ang kaba

ipinagsandok ko sya ng kanin at ulam ng makaupo sya , akmang lalagyan ko na sya ng juice ng pigilan nya ako

"ako na, just eat" simpleng sabi nya

umupo ako sa harap nya, hinihintay ko ang reaksyon nya kaya titig na titig ako sa kanya habang sinusubo ang pagkain

"what the---" napatayo ako sa upuan dahil naibuga nya sa akin lahat ng pagkain

"what kind of food is this?! is this even a food?!" sigaw nya

hindi ako makakakilos, pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko

napatingin ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko, may kanin ang buhok ko

kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak

"h-hindi ba masarap? pasensya k-ka na ha" nanghihinang sabi ko, nangangatal ang buong katawan ko pero pinilit kong hindi ipakita sa kanya

inayos ko ang sarili ko, nagtatampo ako sa kanya dahil wala syang ginagawa para linisan ako

bumalik ako sa pagkakaupo ko at ipinagpatuloy ang pagkain, hindi naman ganun kasama ang lasa, masyado lang maalat

hinablot nya ang pinggan ko at akmang itatapon sa basurahan ng pigilan ko sya

"kinakain ko pa e" galit kong sabi sa kanya

pero hindi sya nagpatalo, nag-aagawan kami sa pinggan ngayun kaya naman tuluyan itong natapon at duon na ako sumigaw

"tingnan mo na ang ginawa mo! natapon na ang pagkain" galit kong sabi sa kanya

"pagkain ang tawag mo dyan? e kahit ibigay mo yan sa aso, tatanggihan yan" ganting sabi nya sa akin na lalong nakapagpasakit sa nararamdaman ko ngayun

"e ano naman ngayun? ako naman yung kakain di ba? alam kong hindi masarap pero kailangan mo ba talagang ipamukha yun sa akin? you don't have to rub it in!"

nakatitig lang sya sa akin habang umiiyak

"konting appreciation lang naman james e" nanghihina akong umupo

"na sana maisip mo na pumunta ako dito kahit ang aga-aga, na ipinagsiksikan kita makakuha lang ng karne" mapakla akong tumawa

"paano mo nga ako maa-appreciate di ba? kung nagawa mo lang akong tingnan pagkatapos mo akong mabugahan"

pilitin ko mang pigilin ang luha ko hindi ko kaya, para itong may sariling buhay na patuloy sa pagdaloy

"bakit ka nagagalit?" kalmadong sabi nya

"unang una hindi kita pinilit na gawin ang lahat ng yun kaya wag mo akong sumbatan!" he shouted

"hindi naman kita sinusumbatan e! ang akin lang sana maramdaman ko naman na mahalaga ako sa'yo, na kahit alam kong si melody ang laman nya--tinuro ko ang puso nya--sana matuto ka namang alagaan ako"

lalo akong naiiyak dahil wala akong mabasa sa mga mata nya, blanko ang ekspresyong binibigay nya sa akin

"itrato mo naman sana ako bilang girlfriend mo, hindi mo ako katulong james" dagdag ko pa

"alam mo kung gaano ko kamahal si melody! hindi yun ganun kadali para sa akin" he said

"alam ko naman yun e! pero di ba nangako ka? nangako ka sa akin di ba? na susubukan mo, na kung magmamahal ka ulit ako---" hindi na nya ako pinatapos magsalita

tinanggal nya ang mga kamay ko na nakahawak sa mga braso nya

"stop it! wag kang magdrama dahil walang pumilit sayo na gawin ito, pasalamat ka pa nga dahil pumayag akong maging boyfriend mo, matagal mo na akong gusto di ba?!" sigaw nya pa sa akin

"parehas lang tayong nakikinabang kaya let's stay this way, stop being so demanding!" dagdag nya pa na lalong nakapagpaiyak sa akin

wala akong magawa dahil totoo lahat ng sinabi nya

"magiging masaya tayo kung hindi mo ipagpipilitan ang gusto mo" and then he left

naiwan akong nakaluhod habang nakatakip ang mga palad sa mukha ko, hindi ko kaya ang mga salitang binitawan nya, masyadong masakit

sinisisi ko ang sarili ko , I let myself to be taken for granted, pinili ko ito kaya magtitiis ako. bakit ba kasi sya pa?

magmamahal na nga lang, dun pa sa walang ibang ginawa kundi ang saktan ako?

ming

July 12, 2012

Edited

Make him mine [Chasing the devious guy!]Where stories live. Discover now