.MHM.1- HATE HIS GUTS

21.8K 234 16
                                    

APPLE's POV

"hay, nakakabagot" sabi ko sabay sipa sa batong nasa harapan ko

"aray!"

nanlaki ang mga mata ko ng may tamaan ako, marahas na humarap ang lalaki at lumapit sa akin

habang lumalapit sya ay naramdaman ko yung napapanuod ko sa mga pelikula, biglang huminto ang paligid, tanging sya lang ang nakikita ko

"pwede ba? mag-ingat ka naman!" yung pagsasalita nya ay parang naging slowmo din

ang ganda ng mga mata nya, ng ilong nya at ng bibig nya , ang pula-pula.

"miss? ano ba?! nakikinig ka ba sa akin?!" duon ako natauhan dahil sa lakas ng boses nya

"a-ah a-ano k-kasi" hindi ako makapagsalita , ang lakas ng kabog ng dibdib ko

"stop staring! baliw ka ba?!" bakit ganun? kahit galit sya, ang gwapo nya pa rin

"parang tanga 'to" parang bulang pumutok yung pantasya ko sa lalaking nasa harapan ko

kahit naman parang tinamaan ako ng pana ni kupido, hindi naman yata tama na tawagin akong tanga ng isang ito di ba?

"what did you just say?!" I shouted, pilit kong nilalabanan ang lakas ng tibok ng puso ko

"Are you deaf or something?" mataray na sagot nya

"alam mo ikaw kanina ka pa ha, kanina tinawag mo akong tanga ngayun naman bingi, ang yabang mo alam mo yun?" naiinis kong sabi sa kanya

"I know , thank you" he said sounding so proud

"dictionary ka ba? ilang page yang mukha mo, ang kapal kapal kasi e"

"ah, just some old corny pick up line " lalo akong nainis sa sinabi nya

bakit ba ang talas ng dila nya?

"bahala ka nga dyan, hindi na ako magso-sorry sa'yo dahil kung hindi ka naman humaharang sa dinaraanan ko e di sana hindi ka tinamaan"

mapanginsulto syang tumawa

"sa liit ng binti mong yan, ang lakas mong sumipa ah"

pakiramdam ko ay ang pula-pula na ng mukha ko, pikon na pikon na talaga ako sa isang ito

"ang yabang mo talaga!" sigaw ko habang hindi ko napigilang ipadyak ang mga paa ko

"o baka naman sinadya mo yun para mapansin kita? schoolmate kita , may gusto ka rin ba sa akin?"

napanganga ako sa sinabi nya , 'kakagusto ko lang' piping hiyaw ng isip ko

"ang kapal mo talaga, uminom ka nga ng kape"

"talaga? hindi mo ako gusto?" pilyong tanong nya

'kakagusto pa nga lang e' piping bulong na naman ng isip ko , oh great!

nagulat ako ng unti-unti syang lumalapit sa akin

"a-anong g-ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko, parang nagwawala ang lahat ng sistema ko sa katawan

just when we are an inch apart, magkalapat na ang mga ilong namen, gusto kong ipikit ang mga mata ko

but instead, I kicked him there, 'where it hurts the most'

"aray!" halos mamilipit sya sa sakit

lalapitan nya pa sana ako pero mabilis akong tumakbo, masyadong malakas ang epekto ng lalaking yun sa akin.

Ming

October 25, 2012

Edited.

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon