.MHM.21- THUNDER CLARK JIMENEZ

9.5K 97 5
                                    

salamat po sa paglike :D

CLARK's POV

hindi ko alam kong tama itong nararamdaman ko ngayon, alam kong wala akong karapatan pero di ko maiwasan ang makaramdam ng selos, alam ko naman sa sarili ko yung limitasyon ko but I just can't accept the fact na she is happy with him, hindi naman siguro masama ang mag-express ng feelings di ba? lalo na at alam mo na wala ka namang ibang taong mapagsasabihan dahil wala rin namang ibang nakakaalam bukod sa sarili mo lang, ang sakit lang makita na masaya ang taong mahal mo na masaya kasama ang taong mahal nya.

yung pakiramdam na halos araw-araw at gabi-gabi ay ipinagdarasal mo na sana ikaw yung nasa posisyon nya..ang dahilan ng kanyang mga ngiti, tawa, galit at kisap sa kanyang mga mata, sana ako na lang.

"ibili mo na kasi ako, mura lang naman ito e" pagi-insist ni apple kay james

hawak nya ngayon yung teddy bear, may kalakihan yun, nagpapabili si apple nun kay james pero mukhang ayaw nung huli

oo,alam ko ang nangyayari ngayon kasi I just happen to saw them kanina sa Kfc, hindi ako nagpapakita sa kanila kasi makakaistorbo lang naman ako sa kanila, nagkasya na lang ako sa panonood kahit na nagmumukha na akong stalker nito, I just can't help it.

"3,000? mura? para saan? sa laruan lang? edi ikaw ang bumili!" james snapped at her, nakita kong sumimangot si apple

"eh kung ayaw mo, di wag! bakit ka pa kasi sumama,sana nagpaiwan ka na lang kung aawayin mo lang naman ako" this time kita kong nagalit na rin siya, sino ba namang hindi? I hate james, binabasura nya ang taong pinapangarap ko.

Inilagay na ni apple yung bear kanina sa pinaglalagyan nun at umalis, agad naman siyang hinabol ni james, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at sinundan sila pero nanatiling palihim

"apple, wait!" hinahabol ngayon ni james si apple

aaway-awayin tapos hahabulin rin? gago.

nanatiling matigas si apple dahil hindi nya ito nililingon man lang

"apple ano ba? please stop playing hard to get!"

Nagulat ako ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni james

"hard to get? gago ka pala e! playing hard to get pa pala ako ng lagay na ito,na halos itapon at ibigay ko na ang sarili ko" ganting sigaw ni apple, she's furious.

gumagawa na sila ng eksena dito sa mall dahil yung mga tao ay napapatigil at parang may shooting na nakikipanuod lang

I tried myself to control the urge na puntahan sila at hilahin si apple palayo sa lugar na ito, tinitigan ko si apple, ang ganda pa rin nya kahit sa malayo, kahit na ano pa man yung emosyon na pinapakita nya ay napakaganda  talaga nya, naaalala ko pa nung una kaming nagkita, siya kaya? natatandaan pa kaya nya?

"THUNDER CLARK JIMENEZ!"

naku po kailangan ko ng sumibat dahil nakita na ako nitong babae na napagtripan namin ng barkada ko, sa dinami-dami naming magbabarkada ako lang natandaan nito, akmang aalis na ako ng bigla akong may maramdaman na tumama sa likod ko

nakarinig ako ng singhap mula sa mga taong nandito sa fastfood kumakain kasi ako sa mcdo, hinawakan ko naman kaagad yung likod ko na tinamaan at may malagkit ako na nahawakan

p-ta! paano ba naman yung itinapon pala sa akin nung schoolmate na napagtripan ko ay yung bote ng gravy at dahil medyo may kalakihan yung lalagyan kaya halos buong area ng likod ng school uniform ko ang nadumihan, pambihirang babae ito ah! sarap kutusan, kung nagkataon siguro na wala ako sa public area ay nakatikim na ito..

tinitigan ko yung babae ang ganda nya lalo na kung titingnan mo yung nag-aapoy nyang mga mata... why so hot baby?

lumapit sya sa akin pero naging napaka slomo yung paraan ng paglapit nya,yung bang tipo na hinahangin yung buhok tapos tumigil yung galaw ng mga tao sa paligid mo ,kaming dalawa lang, natigil ang pagpapatansya ko ng bigla naman nya akong sinampal. Wow

 
"para yan sa pagdrawing mo ng kung ano-ano sa litrato ko!"

 and another slap for her, aba sumosobra na itong babae na ito,bigyan ba ako ng kaliwa't kanang sampal,konti na lang papatulan ko na ito

"at yan,para yan sa kahihiyang binigay mo sa akin!" sabi pa nitong babaeng ito

sa pagkakaalam ko nag-ngangalan itong Rainie? ahm..rain? oo tama si rain nga ata ito

"napakasama mo! wala kang kwentang tao,wala kang ibang ginawa kundi ang pagtripan ang mga tao sa paligid mo!"sermon nya sa akin

okay that's it! she reached my boiling point kahit pa babae ito at maganda, sexy, hindi ako papayag na basta na lang maapakan yung ego ko, sasagutin ko na sana sya ng may pumigil sa akin
 

"hep! awat na mga guys, pogi bakit mo papatulan itong napakagandang babae sa iyong harapan? at ikaw naman babae, huwag ka namang gumawa ng eksena dito, Nasa public place po kayo!" 

may isang mala-anghel na babae ang umawat sa aming dalawa, napakaganda nya , talagang maganda, kulang ang lahat ng letra sa alpabeto para mailarawan ang magandang binibini na ito at naramdaman ko namang kumalma ako ng kaunti

"ay! bahala nga kayo, sino ka ba?magsama kayo! mga bwisit!" sigaw ni rain

umalis na sya at naiwan akong nakatulala pa rin sa magandang dilag na ito 

lumakas bigla yung tibok ng puso ko ng humarap sya sa akin at ngumiti, is this what they called Love?

"grabe!ayusin nyo nga yang gulo nyo ng girlfriend mo!masyadong warfreak!" sabi nya sa akin

 
"a-ah miss ano,hindi ko yun girlfriend,schoolmate lang"

"talaga?eh bakit kung umasta daig pa ang girlfriend?" tanong nya sa akin

"ah w-wala yun kasalanan ko naman eh!napagtripan ko lang" pahayag ko 

 
"hay! boys are boys nga naman" sabi nya

ngumiti na lang ako as a response then nilahad ko yung kamay ko sa kanya

"ahm T-thunder nga pala" pakilala ko

nagchange yung expression nya na waring nagtataka, pero pinili nya pa ring magpakilala

"Reena Apple Maye" she said, bagay na bagay sa kanya yung pangalan nya,it suits her well

para atang lahat ng bagay na nakikita ko sa kanya ay napakaganda sa paningin ko,

I want to know her more pero bago ko magawa yun,biglang kumislap ang mata nya na waring may nakitang napakagandang bagay

tiningnan ko naman yung likuran ko kasi dun sya nakatingin at nakita ko naman ang isang lalaki,matangkad,matangos ang ilong,maputi--in short gwapo.

"ah!sige ah,andyan na ang prince charming ko eh!" sabi nya sa akin sabay alis bago pa ako makasagot

ang bilis ko namang mabigo, wala akong nagawa kundi ang pagmasdan siya habang papalayo

sa ganoong paraan ko nakilala si apple,napaksimple pero hindi ko malilimutan, isa iyon sa pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko, hanggang ganito na lang ba ako?

pero kasi gusto ko namang kahit papaano ay malaman nya ang nararamdaman ko,kahit wala akong makuhang kapalit basta gusto ko lang na wala akong pagsisihan sa huli,

at bago matapos ang araw na ito ay ipinasya ko na huwag na lang sundan sina apple, hindi rin naman maganda yon and besides ako lang rin naman ang nagmumukhang tanga.

---

August 13, 2012
Edited
FigsAraza

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon