Chapter 19

2.7K 86 40
                                    

"Mas mas mabuti siguro, tumingin tayo ng pwedeng gawin. Hindi pwedeng gaanito tayo hanggang sa bumalik ang kuryente." Malambing na mahinang tinulak ni Sarah ai Gerald na nakapalupot pa rin ang mga kamay sa kanya.

"And what do you think we should do? I know, we could move back to the bedroom. What you think?" Kumikindat na tanong ni Gerald.

"Magtigil ka. Kaya nga gusto kong mag-isip ng pwedeng gawin bago pa tayo tuluyang matuksong lumipat sa kwarto." Nakangiting kinuha ni Sarah ang lumamig na naman nila tsa-a. Sinundan siya ni Gerald sa kusina.

"Ano naman ang pwede nating gawin?"

"How about maghanap tayo ng mabibilhan ng kape?"

"Hmmm, pwede but first we have to check if we can open the garage."

"Ok, let's go."

"Sweetheart, mas maganda siguro, you change into your day clothes muna.You are still in your pj."  

Pinatulis ni Sarah ang nguso nito. Tiningnan si Gerald."Ikaw din naman ah, yan din ang suot mo mula pa kagabi."

"Pero hindi ito pajama." Nakangising sagot ng binata.

Napatanaw si Sarah sa bintana kung saan natatanaw nila ang ski resorts. "Babe, mukhang open naman yung ski resort." Obserba ni Sarah. "That means may kuryente dun?"

"Pwedeng meron nga, pwede ding generator.

"Sigurado may kape dun." Excited na sabi ng dalaga.

"I love it when I see your face lights up like that. I feel like kissing you again."

"Pwede naman pero mamaya na pag nabilhan mo na ako ng kape."  Natatawang naglakad na papanhik ang dalaga para magpalit ng damit.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Gerald.

"Change? Sabi mo magpalit ng damit,"

"I better check the garage door,  you go change, I can go out like this. No one will know, we did not have a shower right?"

Napahinto si Sarah, lumingon kay Gerald na nakatayo, nakalahad ang dalawang kamay, parang pinapatingnan sa kanya kung okay lang ba ang ayos niya.  Naka sweat pants ito at form fitting na hoodie. Nag-isip kunyari si Sarah bago ito sumagot. "Kailangan kong isuot ang pinaka sexy kong sweat pants and hoodie para hindi naman kahiya hiyang tumabi sa super hot na gaya mo."  Nagmamadali ng nagtuloy pumanhik pagkasabi nun bago pa makasagot ang binata na kitang kita pagliwang ng mukha ng marinig ang sinabi niya. " Para sa akin kahit na ano suot mo , ikaw pinaka sexy. I just don't want you to be cold , don't care if you go out in your pj as long as you are with me."  Narinig ni Sarah na sabi ng binata bago siya tuluyang nakapasok sa kwarto niya.

"Bolero!" Sigaw na sagot ng dalaga.

"Sexy!!" Sigaw din ni Gerald bilang sagot kay Sarah.

Nakangiti pa rin si Sarah, habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin matapos makapagpalit ng damit. "What happened to you?" Tanong nito sa sarili.  Tutuo na ba ang nararamdaman niya para kay Gerald? Bakit ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Pinagmasdang mabuti ang sarili sa salamin. "I am happy, I am really happy. Does that mean , I am also in love with him already?"

Pagbaba ni Sarah , handang handa na rin si Gerald. Nakabukas na ang garahe. Pagkakita sa kanya ng binata ay napangiti ito. Kinuha ang winter jacket niya sa closet at tinulungan siyang isuot ito. "Gusto mong subukang sumakay sa snowmobile?"

'Ay hindi ako marunong mag drive nun. Hindi pa ako nakakasakay kahit kelan ng snowmobile." Nanlalaki ang mga matang  sagot ni Sarah na umiiling iling pa habang nagsusuot ng gloves.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon