Chapter 1

4K 73 56
                                    

Makalipas ang tatlong buwan, unti unti na ring nakapag adjust si Sarah sa bagong buhay niya sa Canada sa tulong na rin ng Tita Elaine at Uncle Sean niya. Malaking tulong din ang madalas niyang pakikipag-video chat sa mga magulang at kapatid.


"Laking tulong din ang nagagawa ng teknolohiya, halos araw araw ka din naming nakikita. Mas madalas pa nga yata tayong magkuwentuhan ngayon kaysa nung nandito ka pa." Nakangiting sabi ng Papa ni Sarah.


"Parang ganoon nga no? Mas nakakapag-usap tayo ng matagal ngayon." Sang-ayon ni Sarah sa ama.


"Kasi naman ate, mas may panahon ka ng makipag chikahan sa amin ngayon. Kumusta ka naman diyan, di ba winter na? Nakakalabas ka pa rin ba kahit makapal ang snow?" Sabad ng kapatid ni Sarah. Hindi ito nakukuha ng video cam.


"Pakita ka kaya sa camera ng makita naman kita." Hiling ni Sarah sa kapatid ,


Hindi naman nagdalawang salita ang dalaga. Hindi nagtagal at parang nasa harap lang niya ang kapatid.

"Miss na miss mo na talaga ang kagwapuhan ko no?" Pang-aasar ni Kevin sa ate niya.


"Oo nga pati yang kakulitan mo."


"O siya , kayo muna ang magkuwentuhan , iwanan muna namin kayo." Paalam ng Papa nila, sabay tayo sa kinauupuan para makaupo si Kevin habang nakikipag chat kay Sarah.

Masayang nagkuwentuhan at nagkulitan ang mag kapatid gaya ng dati. Hindi maitatago kung gaano sila ka close sa isat isa kahit on line lang sila nag-uusap.


"Pwede ka ng mag enroll sa susunod na semester .Ok na ako dito, may nakuha na akong part time job at pag tumutulong ako sa bar and restaurant nina Tita, inaabutan nila ako, under the table para may extra akong panggastos bukod pa dun sa part time job ko."


"Sigurado ka 'te? Ok lang naman kahit huminto muna ako hanggang makahanap ka ng full time job."


"Hindi pa naman ako pwedeng magtrabaho ng full time, remember student visa lang ako. Allowed lang akong magtrabaho for certain amount of hours. Hopefully, makahanap ako ng full time job bago matapos ang course ko."


"Sigurado yan 'te, mag-aagawan pa mga prospective employers pag nalaman nila kung gaano ka katalino. Ngayon pa lang, nag-uumpisa na nilang nakikita ang katalinuhan ng isang Sarah Geronimo, o di ba, ikaw lagi top sa klase mo kahit na ikaw lang nag-iisang Filipino dun."

Nangiti si Sarah sa tinuran ng kapatid.

"Sabi ko na nga ba! Sa ngiti lang na yan, tama ang hula ko. Alam ko naman na kahit saan ka mag aral, hindi ka patatalo sa mga classmates mo. I am so proud of you Ate, kaya naman idol na idol talaga kita." Tuwang tuwang sabi ni Kevin.

"Kaya naman pag feeling down ako, ikaw ang hinahanap hanap kong kausap, galing mong maka good vibes." Hindi na napigilan ni Sarah ang mapahagikgik sa tuwa sa kapatid.

"So  ano Ate  nagkita na uli kayo ni Gerald? Kumusta na siya? Tuwang tuwa din siguro siya ng malamang nandiyan ka na sa Canada at sa kanila ka pa nakatira no?" Sunod sunod na tanong ng kapatid ni Sarah.

Natigilan si Sarah sa narinig na tanong ng kapatid. Naalala ang kwentuhan nila ng Tita Elaine niya ng nagdaang gabi bago siya natulog. Nagpapasama ito para sunduin sa airport sa Toronto si Gerald sa week end.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon