Chapter 12

2.9K 80 32
                                    

It was snowing  hard when they were ready to get  out of the restaurant. Before they went out into the cold, Gerald pulled Sarah toward him and with confident fingers drew the edges of her parka together, lined up the bottom of the zipper, and eased it up slowly over her chest to just under her chin. Inayos ang hood.  "Mahirap ng magkasakit ka, lalong lalo na first winter mo ito," bulong ng binata. Simpleng ngiti lang ang sagot ng dalaga , na touch sa ginawa ng kasama. Hindi din napigil ang sarili, inayos  din ang hood ng binata, "ikaw din, hindi ka din dapat magkasakit."  Nakita ni Sarah ang parang pagkislap ng mata ng binata sa ginawa niya. 

Gerald  opened thedoor and hold her hand as they're making their way back to the parked car. "Let's just stopped at a gas station to fill up and get some munchies." Gerald said while opening the passenger door. Akmang hahawakan na naman sa bewang ang dalaga  pero sinabi nitong kaya na niyang sumakay. Ganoon pa man, inalalayan pa rin siya ng binata at hindi isinara ang pintuan hanggang hindi siya nakakaupo. 

Gerald  hopped in, shaking mixture of ice and snow out of his hood. Tiningnan nito ang dalaga at ganoon din ang ginawa. Pinagpag ang snow  at inalis ang hood.  "Ikaw ha, ginagawa mo naman akong baby niyan." Nasabi na lang ni Sarah. 

"My turn to treat you like my baby. Noon akala mo batang bata kami ni Kevin, ngayon paparamdam ko saiyo na hindi na ako bata at kayang kaya kitang alagaan."

Natawa si Sarah. "You can't deny the fact na mas matanda ako saiyo no?" Panunukso nito. 

"Don't  make the mistake of making you older a year as an excuse to make me stop pursuing  you. Now that my long secret is out, no one can stop me, even you." Mabilis na sagot ni Gerald habang pinaaandar ang engine ng sasakyan.  

Sarah took a deep breath and dared a glance at him, nasabi nito sa sarili, siya ba ang dahilan kung bakit kahit anong pilit niya noon sa sarili, hindi niya magawang mahalin ng buong buo si Jake? Siya ba ang dahilan kung bakit kahit ilang beses ng magmuntik muntikanang maging si Jake ang unang lalaking makakaangkin sa kanya ay nagagawa pa rin niyang hindi ito matuloy?  Napahawak sa pisngi ang dalaga dahil nararamdaman niyang nag iinit ito. Naiisip niya kung paano nga ba mahalin ng isang Gerald Anderson? Tama ba ang desisyon niyang bigyan ng pagkakataon kung saan makakarating ang sinasabing panliligaw ng binata? Handa ba siya sa mga consequences na pwedeng mangyari? Handa na ba siyang makipag relasyon uli? Ano na lang sasabihin ng pamilya nila pag nalaman ang tungkol sa kanila? Hindi ba masamang tingnan yun? Lumaki sila halos na iisang pamilya lang? Nagturingan na hindi iba? Tutuong hindi sila magkadugo pero..... 

"Nararamdaman mo ba na dumudulas ang daan?" Tanong ni Gerald na nagpatigil kay Sarah sa pag iisip. 

"Medyo, bumabagal ang takbo ng mga sasakyan."

"Nag-uumpisa na yung freezing rain pero huwag kang mag-aalala, will drive slow and  carefully. You can take a nap or listen to music."

"Sige let's just listen to music na lang, ano gusto mong pakinggan?" 

"Whatever you like, there are lots of songs diyan sa iPad ko, connect mo na lang sa bluetooth. Nasa compartment yung iPad. 

Kinuha ni Sarah ang iPad sa compartment. She turned it on and looked at him when it asked a passcode.

"Passcode is 0725," sabi ni Gerald na hindi inaalis ang tingin sa daan. 

Nangiti si Sarah. Hindi niya maipagkaila ang kilig na nararamdaman. 

Ngumiti din si Gerald. "Yap, your birthday!"

May ngiti sa labi na tinayp ni Sarah ang passcode, tumaas ang kilay nito ng makitang ang wallpaper nito ay ang black and white picture na picture nilang dalawa na kuha sa Boracay nung huling bakasyon nila Gerald sa Pilipinas. Natatandaan niya  si Kevin ang kumuha ng picture na yun. Katuwaan lang nila,, magkahawak kamay silang lumundag, background nila ang palubog na araw.  Pareho silang bigay na bigay ang mga tawa. Sinulyapan niya si Gerald na nangingiti. "No one ever touch my  iPad except you. All my secrets are in there." Biro ng binata. 

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon