Chapter 4

3.1K 81 48
                                    

Nagpasya si Gerald na umuwi muna matapos silang kumain pero sinabi niyang babalik din siya agad , gusto lang niyang makapag shower at makapag palit ng damit. Hindi na sumama si Sarah sa kanya, meron naman daw siyang laging extrang uniform na nanduon sa opisina ng restaurant dahil madalas dduon na siya tumutuloy galing ng university.

 

Habang nasa daan siya ay na isip niyang mas makakabuti para kay Sarah kung isang professional ski instructor ang unang magtuturo sa kanya. Tinawagan niya agad pagdating niya sa bahay ang isa sa mga dati niyang classmates nung high school na isa sa mga namamahala at ski instructors sa Boler Ski Club.

 

Samantala, si Sarah naman ay naging abala na. Magkatulong sila ni Tita Elaine sa bar. Madalas silang magkatawanan  dahil madalas na may pumupuna kung allowed na daw bang magtrabaho ang dalaga sa bar, mukhang hindi pa daw ito legally allowed na uminom.

 

"How old do you think she is?" Natatawang tanong ni Tita Elaine sa isang lalaking nakaupo sa  bar isa sa mga  hindi maalis alis ang tingin sa dalaga

 

"She looks just like a 16 year old but there is that maturity and feminity in the way she talks and moves. You just don't know how animating to watch you. I can't help to smile when I hear you laugh, your laugh is contagious!"



“Thank you, that is very nice of you to say.” Natatawang sabi ni Sarah ng iabot sa lalaki ang order nitong drink.

 

Tumayo ang lalaki at iniabot ang kamay sabay pakilala sa sarili. “I am Patrick Engel, your new admirer.”

 

Nangiti ang dalaga, medyo nakaramdam ng pamumula, napatingin sa Tita niya na napangiti din. Nakipagkamay si Sarah sa lalaking nagpapakilala. “Sarah Geronimo.” Pakilala naman nito sa binata.

 

HIndi na umalis si Patrick sa may bar, pag hindi busy si Sarah ay kinakausap niya ito at kung may customer namang inaasikaso ay nararamdaman ng dalaga na lagi itong nakatingin sa kanya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at pabiro na niyang sinabi na, “ please quit staring at me, you are making me concious.”

 

“I can’t help it.” All smiles na sagot agad nito.

 

Hindi malaman ni Sarah kung maiinis o matutuwa kay Patrick. Mukha naman itong mabait, lagi ding nakangiti, nakatitig nga lang palagi at matino namang kausap. Palabiro pero hindi naman bastos. Feeling nga  niya kinikilig pa siya sa mga papuri nito sa kanya. Ang gaan din ng loob niya dito, parang ang tagal na nilang magkakilala.




Yun ang naabutan ni Gerald, ang pag uusap ng dalawa na parehong nakatawa at nagbibiruan. Napansin niyang maging ang Tita Elaine nila ay nakangiti din na naiiling. Natigilan ang binata. Napahinto sa paglalakad. Hindi naman siya napansin nila Sarah dahil kahit na nakikipagbiruan ito kay Patrick at sa iba pang nakaupo sa bar ay patuloy din ito sa pagtratrabaho.She is mixing a drink order smiling to whatever the man said. It bothered him right away. There is something about the way she smiled at him. There  is that familiarity  and it irritated him. Madilim ang mukhang tutuloy na sana ito sa bar ng may masayang bumati sa kanya.

“Gerald, wow, did not know you are in town. When did you arrive?” Masayang bati sa kanya ng isang babae sa isang table hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.  Napatingin si Gerald sa pinanggalingan ng boses, nakita niya ang isa sa mga classmate niya nung high school, na tumayo para lumapit sa kanya.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon