Chapter 9

2.9K 86 44
                                    

Kapansin pansin ang pagiging walang kibo ni Gerald hanggang sa makarating sila sa sasakyan. Inalalayan si Sarah na makapasok at makaupo sa driver's seat Tahimik na binigay ang susi sa dalaga bago matamlay pa ring umupo sa passenger's side Hinintay ni Sarah na makapag seat belt ang binata bago niya ito kinausap. "Ayaw mo yatang ako ang mag drive eh. Bigla ka na lang natahimik. Ikaw na kaya ang mag drive, marami pa namang pagkakataon para mag practice ako like sa summer pag maganda na ang panahon."  Nakangiting sabi ni Sarah pero halatang nag-aalinlangan  din ito.

"HIndi naman yun ang dahilan kaya ako natahimik. May iniisip lang ako." Mabilis na sagot ni Gerald. "Sige let's go na mukhang lumalakas ang hangin.

"Pwedeng inumin at kainin muna natin tong kape at do nut? Ngayon ko lang naisip na hindi ko pala maiinom tong kape habang nag dra drvie ako." Kinuha ang kape at inayos ang takip bago maingat na humigop. Tamang tama lang ang init, sarap inumin. Kinuha ang donut at inumpisahang kagatin Tinapunan ng tingin si Gerald na hindi pa riin bumabalik ang sigla sa mukha. "Hoy ano ba, ang layo pa rin ng iniisip mo. Pwedeng malaman kung ano?" Tinapik ng kanang kamay ang balikat ng binata.  Lumingon si Gerald sa dalaga na nakatingin pa rin sa kanya habang iniinom ang kape.

"Ano? HIndi ko pwedeng malaman?" Pangungulit pa rin ng dalaga. "Inumin mo na rin yang kape mo, mamaya malamig na yan, hindi na masarap inumin unless gusto mo sa kape malamig."  Ibinaba ang kapeng iniinom at kukunin sana ang kape ng binata para ibigay dito pero mabilis din ang kamay nitong kinuha ang kape ng makita kung ano ang balak gawin ng dalaga. "Ako na, inumin mo na yung saiyo para makaalis na tayo." HIndi sinasadyang nagkapatong ang mga kamay nila sa pagkuha ng kape. Napatingin si Sarah kay Gerald. Nagkatinginan sila ng ilang segundo. HIndi naman inalis agad ni Gerald ang kamay nito. "Grabe naman ang kamay mo, hindi ka ba nakakaramdam ng lamig? Sa weather na ganito, bakit ang init pa rin ng kamay mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Sarah habang inaalis ang kamay at kinuha naman ang kape niya. 

Hindi  agad kumibo si Gerald. Nagulat din siya sa naging epekto ng pagkakadikit ng mga kamay nila? 

"Siguro iniisip mo yung babaeng gusto mong ligawan no? Iniisip mong sana siya na lang ang kasama mo ngayon at hindi ang boring na gaya ko" Panunukso pa rin ni Sarah. Walang kamalay malay sa tinatakbo ng isip ng katabi 

"I am sure sa ngayon , hindi mo gugustuhin kung ano ang tumatakbo sa isipan ko." Nadulas na sabi ni Gerald dahil at that time, ang gusto niyang gawin ay kabigin ang dalaga palapit sa kanya , akbayan, habang iniinom nila ang mga kape nila, sabihin niyang hindi na kailangan  na niya kailangang maghanap pa ng mayamang matandang madaling mamatay."

"Let me the judge of that, tell me, ano nga iniisip mo at biglang nagbago ang mood mo?" 

"Gusto mo talagang malaman? Baka mamaya, hindi mo na ako kausapin ha. Teka ubusin mo kaya muna yang kape mo, baka sa inis mo sa akin, maitapon mo sa mukha ko eh." May ngiti sa labi ng binata pero seryoso ang boses.

Inalis ni Sarah ang seatbelt , hinarap ang binata. "Kahit ano pa yan, hindi pwedeng hindi kita kausapin, isang oras pa lang kaya tayong nasa biyahe so that means, 7 hours pa bago tayo makarating. Mahaba haba pa yun at napaka boring naman na madilim ang mukha  ng katabi ko. Nakakaalangan ka kayang biruin pag ganyan ang expression mo, kung hindi nga kita talaga kilala , iisipin ko napaka suplado mo."

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mong maghahanap ka ng matandang mayamang madaling mamatay?"

Nanlaki ang mata ni Sarah. Hndi makapaniwala sa tanong na narinig. "Buti na lang walang laman ang bibig ko kung hindi kumalat na diyan sa mukha mo. At bakit ka naman naniwala sa biro ko kanina?"

"Ang dali mo kasing nakahanap. Sandali lang akong nawala, nakahanap ka na agad ng matandang mukhang mayaman na prospect. Mukhang  interesado din siya saiyo."

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon