Chapter 5

3.3K 76 49
                                    

"Sigurado ka ha, sigurado kang mabait yung instructor." Muling tanong ni Sarah kay Gerald habang hinihintay nila ang kaibigang ski instructor ni Gerald.

 

"Oo, siguradong sigurado ako  na magaling siyang magturo. Sigurado ako na pagkatapos ng lesson mo sa kanya today, kaya mo ng mag ski on your owni."

 

"Ayaw mo lang akong turuan," may tampo sa boses ni Sarah. Pasimpleng inakbayan ni Gerald ang dalaga. Nahalata nito ang tampo sa tono ng  boses nito.

 

"Parang may tampo yata ang boses ng magandang dalaga. Huwag ka ng magtampo para din saiyo to, mas matuto ka kung isang professional ang magtuturo saiyo. Kung ako, baka sa kaba ko masaktan o madapa ka, wala akong maituro saiyo sa sobrang pag-aalala ko saiyo."

 

"At bakit ka naman kakabahang magturo sa akin? Basta ba huwag mo lang akong tatawanan pag nasubsub ako sa snow." Kunot noong sagot ni Sarah.

 

"And what you think I will laugh when you fall? Don't you know I'd rather get hurt than seeing you hurt?" Wala sa loob na sagot ni Gerald.

 

Napatitig si Sarah sa kasama. May kakaibang dating ang pagkakasabi nito sa tinuran. Tinititigan niya ang binata, nagbabakasaling may makita siyang pagbibiro o pambobola sa mukha nito pero seryoso ito at ng magtama ang mga mata nila ay napalunok ang dalaga. Bakit parang nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha. She could feel his stare like a physical touch, feel his body heat radiating towards her. Napahaplos sa nag-iinit na pisngi ang dalaga



Hindi natagalan ni Sarah ang titig ng dalaga. Pasimpleng naglakad palayo sa binata, nagkunwaring tumanaw sa bintana, pinanood ang mga tao sa labas. "Tiningnan ko lang yung mga suot nila, parang maglakad lang mahihirapan na ako." Sabi nito ng maramdamang nasa tabi na niya uli si Gerald.

 

"Masasanay ka din. Mukha lang siyang mabigat pero hindi naman."

 

Ngumiti lang si Sarah, makikipagtalo pa sana siya pero parang naiilang siyang hindi niya maipaliwanag. Nag-iisip siya ng susunod na  sasabihin ng marinig nila ang masayang pagbati ng hinihintay nila.

 

“I am really sorry man, I tried to get out of the meeting as soon as I can.  How are you?” Kinamayan ng mahigpit si Gerald. Sabay tingin kay Sarah na nakatingin lang sa kanila. Nanlaki ang mata ng bagong dating ng makitang mabuti ang mukha ng dalaga. Napatingin kay Gerald, nagtatanong ang mga mata.

 

“It’s good to see you again man, and thank you for agreeing to teach my friend.”  Binalingan nito si Sarah, nginitian ang nakatingin lang na dalaga. “Sarah , this is Mikel Armstrong, a very good friend of mine since high school. He is the one I am talking about, the one who will be your ski instructor. Mikel ,this is Sarah Geronimo.”

 

“Sarah, it’s great to finally meet you.”  Hindi maitago ang makahulugang ngiti ng kaibigan ni Gerald.

 

Hindi din maitago ang lalong pagkunot ng noo ng dalaga sa nakitang kakaibang ngiti at makahulugang tingin ni Mikel kay Gerald.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon