Chapter 3

3.6K 77 34
                                    

Hindi pumayag si Gerald na hindi siya ang magmaneho pauwi. Hindi naman daw siya pagod. Ang tutuo, gusto lang niyang may pagkaabalahan. Mahaba haba din ang dalawang oras na biyahe pabalik ng London. Gusto niyang may ibang pagkaabalahan sa dalawang oras na biyahe bago pa siya mahalata ng mga sumundo sa kanya pero laking gulat niya ng sa halip na ang Tita Elaine nila ang umupo sa harap, katabi niya, sinabihan nito si Sarah na siya na ang umupo sa tabi niya at susubukan niyang umidlip dahil pagdating nila ng London, tutulong ito sa restaurant dahil karamihan sa staff nila ay mga baguhan. Nakabakasyon ang karamihan sa regular staff nilang mga university students.

 

"Tutulong din ako Tita," sagot ni Sarah.

 

"Ako din," pangalawa ni Gerald.

 

"Matutuwa si Sean niyan, pero kailangan ko pa rin mag nap. Not as young as you are anymore."

 

Natawa na lang ang dalawa. Hinayaan na ang Tita Elaine nila sa gusto nitong mangyari. "Ok Tita, gisingin ka na lang namin later," sabi ni Gerald at pinaandar na ang sasakyan.

 

Sitting next to her is a form of torture. His heartbeat is faster than usual. Lalo pa siyang kinabahan ng maamoy nito ang pabango ng dalaga. She smells light and delicious. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pati amoy ng pabango ng katabi ay complete turn on sa kanya.

 

"Hanga din naman ako saiyo, dito ka na ipinanganak at nag-aral , ang galing mo pa ring magtagalog." Papuri ni Sarah sa katabi . Walang kamalay malay sa itinatakbo ng isip nito, Medyo napahiya ang binata ng mapansing nakatingin sa kanya ang dalaga na parang hinihintay na may sabihih siya. Inulit na lang ni Sarah ang sinabi niya ng mapansing hindi naintindihan o narinig ni Gerald ang sinabi niya."

 

"Sabi ko, bilib ako saiyo kahit dito ka na ipinanganak at nag-aral, magaling kang magtagalog. Ang layo naman kasi ng iniisip mo, iniisip mo siguro yung naiwan na girlfriend mo 'no?" Dugtong na biro nito.

 

"Girlfriend? May iniisip nga ako ,yun nga lang hindi ko pa siya girlfriend," pag-amin ni Gerald at bago pa makapag salita uli si Sarah ay sinagot na agad ang nauna nitong tanong. "At doon sa tanong mo tungkol sa pagsasalita ko ng Tagalog , mula pa nung matuto akong magsalita, lahat ng nag-alaga sa akin ,pinagbilinam na ni Mommy na sa salitang Tagalog ako kausapin. Hindi nila ako kinakausap sa English dahil pag nag aral na daw ako, siguradong english naman daw ang mapag aalara kaya pati si Daddy, marunong magtagalog. Nung namaxAtay si Mommy, lahat ng naging nanny ko ay Filipino .Tapos, nung mag asawa uli si Daddy, Filipina uli na madalas umuwi sa Pilipinas, so here I am, a Canadian Filipino speaking which I am very proud to be , anyway." Nakangiting paliwanag ng binata, sinulyapan ang dalagang nakangiti ding nakatingin sa kanya. Kung hindi lang siya nagmamaneho, baka hindi pa niya aalisin ang pagkakasulyap sa dalaga.

 

Matamis na nginitian sabay kindat sa kanya ng dalaga, "super saya nga na hindi ako nahihirapang makipag usap sainyo. Sa school at sa trabaho ako napipilitan talagang mag english ng straight."

 

"So, how do you like London , Ontario so far?"

 

"So far, great! Sana lang makapagtrabaho din ako ng full time para naman makatulong akong mabayaran yung pagkakasanla ng mga property namin para lang may mabaon ako papunta dito."

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon