March 1, 2014

27.2K 711 30
                                    

Dear Diary,

First time kong makauwi since my mini-makeover kaya naman hindi na nakakapagtakang napanganga sila sa hitsura ko. Short hair, blond pa. Tapos ang suot ko, not exactly pang-Maria Clara. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ni Eliza (ang hitad kong pinsan) lalo na nang sabay kaming pumasok ni Lester ng gate (nakakapit ako kay Lester noon, di pa kasi ako sanay kay Migs).

Akala nila si Lester ang boyfriend ko. Todo simangot si Migs e! HAHAHA...

Pero syempre, when we all gathered around, kay Migs na ako nakadikit. Bahala na si Lester ipatanggol ang sarili nya mula sa mga pinsan kong parang once in a blue moon lang makakita ng lalaki.

Anyway, pinakilala ko si Migs sa buong angkan (na nandoon) at kahiya-hiyang napaiyak sa harap nya si nanay dahil akala raw nito ay hindi na darating ang panahon na makakapag-asawa ako. Sinundan iyon ng tanong ni tatay kung kailan daw ba namin balak magpakasal.

Si lola, gusto na raw magkaapo. Si Ina (tawag namin sa great-grandma namin), gusto raw magka-apo sa tuhod sa akin bago ito mamatay. Na-pressure tuloy si Migs! At napilitan tuloy akong depensahan ang relasyon naming ilang weeks pa lang ang tagal (I saw a glint of mischief on Eliza's eye! Hala!).

All in all, diary, it's good to be home. It's good even if it's somewhat bad kasi at the end of the day, pamilya ko yung binalikan ko. You can't throw your relatives away e. lol

Naghahanda sa posibleng pang-aagaw ni Eliza,

Ingrid

P.S. Nga pala, walang masyadong pumansin kay Jess. Hahaha... for once, feeling ko ako ang bida!

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon