February 1, 2014

29.1K 717 14
                                    

Dear Diary,

Inaaya ako ni Migs na manuod ng Robocop sa IMAX bukas. Naka-oo na ako kay Marion e. Kaso magagalit na naman itong si Migs kapag hindi ako pumayag. Shet na malagkit naman o. Kanino ako sasama??? Hatiin ko na lang kaya ang katawan ko 'no?

Arrrgh. Good luck to me, diary. Nakabili na ng ticket si Migs (jusme! Bumili agad hindi pa nga ako nag-aagree na sasama???). No choice tuloy kami ni Marion. Sa umaga kami manunuod. Hindi ko pa nirereplyan si Migs. Sa text lang kasi sya nag-aya. Bahala na bukas!

Good luck to me. Mauumay ako. Isang movie, dalawang beses kong papanuorin sa isang araw. Pero ano pa nga ba'ng magagawa ko? I'm friends with both guys.

Feeling ko tuloy ang haba-haba na ng pixie hair ko. Lels. Movie date lang naman 'to. Pero sheeeet. Two dates with two guys in a day? WOW.

For a NBSB girl, isa na itong malaking achievement and I'll try to savor the moments with them. Chos. Movie date lang ito, Ingrid. Don't get too carried away.

Sige, diary. Maghahanap muna ako ng pwedeng isuot bukas.

 

Medyo eksayted na hindi,

Ingrid

P.S Tigkalahati lang kaya nung movie ang panuorin ko? HAHAHA.

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon