January 23, 2014

30.5K 853 41
                                    

Dear Diary,

Marion pala ang name nya. Sinabi sa 'kin ni Jessica. Kinutuban na raw kasi sya na itatanong ko dahil kahapon pa ako tanong ng tanong tungkol sa F&A which was odd daw kasi wala namang kinalaman ang trabaho namin sa kanila.

And then may bago ngang member 'yong department na 'yon so being the ever good at conclusion na palaging tumatama 'yang si Jessica, she saw through all that. Unfortunately, she also told Migs. And this guy threaten to chop the curls off the new guy's head. Alam kong pabiro lang 'yon kasi, kelan ba naman nagseryoso itong si Migs? Kaso nakakairita pa rin sya kahit anong biro ang gawin nya.

Nag-aya ulit si Jessica na sabay kaming tatlong mag-lunch pero tumanggi itong si Migs. May baon daw sya. Wala na kasi raw syang pera kasi Thursday na. Sisweldo na naman kami bukas so okay lang. At okay rin na hindi namin sya kasama ni Jess. Hassle kaya kapag nandun sya. Hindi ako makakain ng matino.

Anyway, Jess told me something about Migs that's kinda unsettling. Mahirap lang daw si Migs. His family is not well off. Ang malaki nyang sahod ay sa kanila halos lahat napupunta. Parang 7K lang yata ang natitira sa kanya for allowance lang. Kaya pala minsan hindi sya kumakain.

Mayaman naman daw sa pagmamahal si Migs, kaso doon pa lang sya mayaman.

Bakit affected ako, diary? Hindi ko naman sya gusto. Pakialam ko ba kung mahirap sya? Ang kaso, kapag pala naging kaibigan mo na ang isang tao, apektado ka na rin sa buhay nila. I treat him as friend, okay? An annoying one nga lang but a friend just the same.

I've heard girls say behind his back na kaya hindi raw sya sinasagot e kasi ang kuripot nya. Na sa simpleng date, hindi sya makapanlibre. Ang cheap daw, ganyan. Pati damit nya paulit-ulit.

And I'm guilty for being one of those girls. Nakakahiya ako. Hinusgahan ko agad 'yong tao.

Kinakain ng guilt,

Ingrid

P.S. I still don't like him as boyfriend-to-be but I guess I understand him more as a person now.

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon