February 6, 2014

29.6K 696 21
                                    

Dear Diary,

Binasa ko ulit lahat ng entries ko. Ang tagal na pala nung huling time na na-mention ko ang name ni Paulo. Puro si Migs ang laman mo. Halaaaaa.

Diary, ayaw ko talagang mahulog kay Migs. Bakit ba kasi kailangan pang magka-girlfriend ni Paulo? E di sana pinush ko na yung IngLo relationship namin. O kaya sana hindi na ang bakla si Lester. Mas kumportable ako sa kanya e.

Wala akong pinagsabihan miski na ikaw dahil takot ako na kapag isinulat ko sa papel o sinabi sa isang tao, magkakabuhay 'yong feeling. And then I wrote my first entry about him at heto na nga ang nangyari. Natuluyan ako, diary. Yung feelings na ingat na ingat akong huwag lumala, parang lumala na ngayon.

Magic ka ba, diary? Simula nung sumulat ako sa 'yo, nagkandaleche-leche na ang buhay ko. Ayaw ko pa. Takot pa ako. Siguro ito yung dahilan kaya single pa rin ako hanggang sa ngayon. Takot ako, diary.

Pero kapag pinakawalan ko si Migs, hindi ko alam kung ilang taon na naman akong maghahanap. At hindi ko rin alam kung gugustuhin ko pa ba. Bakit kasi sa hindi ko ideal guy ako nahulog? What kind of sorcery is this?

So confused,

Ingrid

P.S. What should I do? 

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon