February 7, 2014

29.1K 706 28
                                    

Dear Diary,

Sisimulan ko na rin lang na iwasan si Migs. Maybe he's just not the guy for me. Naramdaman ko na rin'to e. Nung high school ako. Nagkagusto ako sa isang tao at akala ko gusto nya rin ako. Alam mo yung nagkakasalubong kayo palagi ng tingin na para bang sinasadya? Madalas 'yong mangyari sa'min dati. Pinapatay-malisya ko na lang hanggang sa isang araw, umamin sya sa 'kin na gusto nya 'ko.

Tapos tinakbuhan ko sya. HAHAHA.

Tanga kasi ako. Sorry naman. Hindi ko nga maisip kung paano nakakailang boyfriend ang ilang babae dyan samantalang ako, hirap na hirap kumunekta sa tao, lalong-lalo na sa lalaki. Kapag naging kumportable na ako sa lalaki, friends na kami. Kapag may pagkailang, ibig sabihin may posibilidad na gustuhin ko sya and I will, therefore, turn the other cheek and start avoiding him.

Pero si Migs kasi, friend ko na hindi ako ilang pero gusto ko. Bakit kasi nauso pa ang exception na yan? At bakit hindi ko matanggap? Diary, pakiuntog nga ako sa pader. Baka kailangan ko lang matauhan.

Maglaslas na lang kaya ako?

Ingrid

P.S. Bakit ko ba kasi pinuproblema 'to? Haaays.

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon