CHAPTER 1

6.2K 19 11
                                    

CHAPER 1

TEKKI'S P.O.V (Point of View)

Sa laki ng mundong ginagalawan natin iba't-ibang tao ang madalas nating nakakasalamuha.May taong nagtatanong ng direksyon,yung iba naghahanap ng daan.Meron rin namang hinahanap ang sarili,nalilito,nawawala ang masaklap lang doon,yung iba tuluyan nang nilamon ng daan dahil sa maling direksyong sinunod nila,pero ang nakakamangha dito sa laki ng mundong ito may isang taong katulad mo na ang pakiramdam ay siya lang ang nasasaktan,siya lang ang umuunawa,siya lang ang naloloko,siya lang ang madalas umiyak at madalas siya lang ang bigo.

It's not uncommon to feel resentment and anger.

In this miserable predicament,despair is so great and I only think of a way out and nothing else matters.I WANT TO SHOUT AT THE TOP OF MY LUNGS, to SPEAK OUT but everytime I tell everyone how I feel, they all go cold on me as I if I've said something stupid and wrong.I just wanted the feeling of being understood but no one tries to listen and when they do as if they haven't heard a word. Now I appeared lost and alone.

I wanted a way out to take all the chances around me, if only I Could then I Would.

Ako si Tekki.Isang manunulat na may edad na bente dos at ito ang aking kwento.

1 YEAR AGO

Hindi ko aIam pero may dalang kalungkutan ang hangin na bumalot sa akin nang gabing iyon.Siguro dahil masyado akong nadala sa isinusulat kong essay na may temang isolation.

Kaya naman nag pasya akong tawagan ang mga kababata kong sila Irene at kaye para uminom.

"Kaye tara labas tayo?sagot ko na!tayo nila Irene."wika ko sa kanya sa telepono.

Sumang-ayon naman agad si Kaye at di nagtagal makalipas ang ilang minuto,may bumusina na sa tapat ng bahay,sila Kaye at Irene. Nagmadali ako sa paglabas.Napunta kame sa Isang resto-bar.Katulad ng usual na gimik nag inom lang kami at tamang chill lang ,pero may pumukaw ng atensyon ko noong gabing iyon yung singer sa bar.Ang ganda ng boses,may itsura,lalaking-lalake ang tindig.Bigla ko tuloy naalala si Ren 4 months ago, Si Ren ipinakilala siya ng mga kaibigan ko at naging ka txt , hindi kame nagkaroon ng kahit anong relasyon subalit may mga bagay na nangyari sa aming dalawa na siguro ay dala ng pagiging bata.

Habang nakatitig ako at pinapakinggan ang pagkanta ng singer sa bar na iyon bigla akong napaisip at naalala na noong magkasama kami ni Ren sa mismong bar na iniinuman namin ngayon ,nabanggit niya sa akin na manliligaw niya raw ito.

Hindi ko pinaniwalaan ang mga sinabi ni Ren sa akin noon kasi naman nakikita kong lalaking lalaki ang tindig at porma nito pero para mas mapagtibay pa ang paniniwala kong lalaki ito tinanong ko si kaye bilang kaibigan niya naman ang singer na iyon.

Binulungan ko si Kaye.

"Kaye di ba bakla yang singer?"wika ko.

"Gago!Hindi ah, ex niya nga iyong kaibigan ko dati noong college.Siguro type mo no?kilala kita pag type mo tinatanong mo kung bakla ba."wika ni Kaye.

"Hahaha baliw hindi!ano ka ba?"ang pagtanggi ko sa kanya.

Napahinto ako sa kalagitnaan ng pagtawa at mamaya pa ay---

"O sige na nga aamin na ako,medyo lang."wiko ko kay Kaye.

"Sabi ko na nga ba eh, kaya ganyan ka makatitig .Hayaan mo mamaya ipapakilala kita."Ang pilyang tugon nito.

Sinabi ko kay Kaye na huwag na, kahit sa loob ko gustong-gusto kong maipakilala sa kanya.Nagpumilit si Kaye at makalipas ang ilang minuto,pagkatapos ng unang set tinawag ni kaye si Gerry at ipinakilala ako.Kabadong-kabado ako noon,Inabot ni Gerry ang kamay niya sakin bilang pormal na pagpapakilala pero bago ko iabot ang kamay ko,sumimple muna akong pinunasan ang kamay ko.Mahirap na First impression lasts.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon