Chapter 27

132K 1.8K 478
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Magdidilim na ang paligid ng makarating kami pareho ni Cassie sa mansion. Pagkababa namin ng sasakyan ay umagaw saming pansin ang mga magagarang sasakyan na naka-park sa harap ng mansion. May Mercedes Benz, Audi, Lamborghini, at BMW.

What a rich kids.

"Nandito na pala silang lahat."

saad ni Cassie bitbit ang mga regalong pinamili.

"Yeah. Tayo ang VIP sa celebration na 'to."

taas noong sagot ko habang nakataas ang aking mga kilay. Mukang naintindihan ni Cassie ang gusto kong sabihin kung kaya't ginaya niya ako at ngumiti rin siya ng sakrastika.

Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kami ng paroo't-paritong mga maids na may kanya-kanyang hawak na tupperware, at casserole na may lamang pagkain. Abala silang lahat. Base sa sinabi ni ate Rhea ay sa garden daw sa likod ng mansion ginaganap ngayon ang selebrasyon at naroon na raw ang limang itlog.

Sabay na dumaretso kami ni Cassie sa nasabing lugar.

Habang naglalakad ay hindi ko na naman napigilang humanga sa kagandahan ng paligid altough lagi ko namang nakikita ang lugar na ito kapag nasa beranda ako ng kwarto. Sari-sari ang mga halaman at bulaklak na nakatanim doon, sinamahan pa ng parang mala-la-encantandiang arrangement ng mga iyon. Makikita rin dito ang malaking greenhouse na halatang pinagkakagastusan ng malaki.

"Kunin mo na ang lahat sa akin! 'Wag lang ang aking mahal!"

Mula sa kinatatayuan naming dalawa ni Cassie ay matatanaw na ang pinagdarausan ngayon ng mini-party. May pahabang lamesa roon kung saan nakahanay ang mga pagkain na para bang may catering. Sa gitna naman ay may pabilog na malaking metal na lamesa, kasya siguro roon ang sampung tao habang sa tapat naman noon ay naroon ang malaking flat screen at mala-higanteng speaker. Hawak-hawak noon ni Janus ang microphone at nagsisisigaw.

"Alam kong kaya mong pa-ibigin siya, saki'y maagaw mo siya, pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba! Haaahaah! Kunin mo na ang lahat sa akin, wag laaaaaaang----"

"Takte ka naman Janus! Naririndi na 'ko sayo ha!"

sigaw na saway ni Ailee na mababakas ang pagka-irita sa mukha. Nagtawanan lang ang iba pang naroon at pati na rin kaming dalawa ni Cassie. Nagderetso na kami roon.

"Allison! Long time no see!"

ani Ethan at sabay yakap sakin.

"Ate Allison, na-miss ka namin!"

tuwang-tuwa na bati ni Ailee at niyakap niya rin ako. Isa-isa nila akong niyakap na lahat kasama sina Migz at Jhay.

"Ok group hug!"

eksaheradong sigaw ni Janus at sabay-sabay nila kaming niyakap ni Cassie. Ang nakakatuwa rito ay biglang hinatak ni Jhay si Cassie bago pa man kami mayakap ng apat na itlog.

"I'm the only one who has a right to hug her."

deklara ni Jhay habang yakap-yakap ang girlfriend niya na para bang ayaw itong ipayakap sa iba. Inulan tuloy sila ng sari-saring kantiyawan.

"Tingnan mo nga naman, nagiging corny na si Mr.Attorney."

panloloko ni Migz. Maangas na inirapan naman ni Ailee si Cassie.

"Pakasal na kayo para no choice na sina Ailee at Janus. Haha." kantiyaw ni Ethan. Masama ang mukhang tinitigan ni Ailee si Janus.

"Eto? Etong mukang elepante na 'to? Pakakasalan ko? Ah bwisit, magbibigti na lang ako!"

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon