Chapter 7

249K 1.7K 225
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Araaaay! Ouch! Masakit Tristan!"

"Wag kang malikot."

"Eh ang sakit nga eh!"

"Stop shouting Allison, konti na lang 'to."

Nag-teary eyes ako. Sh*t! Ang sakit, ang hapdi. Halos magusot na 'yung kobre kama dahil sa higpit ng pagkaka-kapit ng isang kamay ko 'don para makakuha ng suporta at malabanan ang sakit habang medyo nakabend ang ayos ko at nakasubsob ang kabilang pisngi ko sa kama.

 "Ano ba! Matagal pa ba 'yan? sobrang hapdi na talaga eh." paiyak na 'ko.

  "Almost done." kalmadong sagot niya at pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang pagbalot ng kung ano sa isang daliri ko sa kamay na noo'y hawak-hawak niya.

Kasalukuyan niya kasing ginagamot 'yung open cut ko sa daliri na gawa ng katangahan ko kahapon nang pinagtalop at pinag-gayat ako ni Manang Elly sa kusina. Sinabi ko kay Tristan na ok lang ako pero pinagpilitan pa rin niya ang gusto niya kaya eto nga at ginagamot niya ngayon ang sugat ko. Dahil sa open cut 'yon kaya sobrang hapdi sa balat at lalo pang kumirot nang pinahiran niya ng likidong gamot para sa sugat.

Nang matapos na sa ginagawa ay binitiwan na ni Tristan ang kamay ko at narinig ko na rin na binabalik na niya sa first-aid kit ang lahat ng bagay ng ginamit niya sa pang-gagamot sa sugat ko. Umupo na rin ako ng ayos at tiningnan ko ang isa kong daliri na noo'y balot na balot ng gasa.Nakasimangot na tiningnan ko lang ang katabi ko.

"Kapirasong sugat pero ang laki ng gasa?" puna ko sa ginawa niya.

"Para iwas-infection." mabilis na sagot niya.

"OA mo."

"Sa susunod kasi mag-iingat ka."

"Eh ano ba kasing alam ko sa kusina?"

Kumunot ang noo niya.

"Are you blaming us? Kung hindi ka lang sana naging tamad noon sa pagtulong sa kusina edi sana marunong ka na ngayon." pilit niya.

"May mga katulong ho kasi."

"Kahit na, hindi porque may katulong hindi ka na rin gagawa at kikilos dito sa bahay, lalo na ngayon at may-asawa ka ng tao."

"Oh siya tama na, ang dami mong sinabi eh  non-sense naman." inip na saad ko.

Narinig kong kumaltak siya ng sunud-sunod habang nakatingin siya sakin na parang naaawa. Naaawa, dahil ka-babae kong tao wala akong kaalam-alam pagdating sa kusina.

"So anong gagawin natin dito maghapon?" 

  baling ko ulit sa kanya. Napalitan ang kunot niyang noo ng isang sarcastic smile.

"Ano pa, edi ipagpapatuloy ang naudlot nating honeymoon." prankang sagot niya at base sa lagkit ng pagtitig niya sakin ay parang alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko alam pero kahit alam ko namang nagawa na naming dalawa 'yun eh hindi ko pa rin mapigilang mahiya sa kanya.

"H-Hoy Tristan, ano ka ba! Ang taas-taas ng sikat ng araw oh!" kinakabahang pagalit ko sa kanya.

"So?" kunwaring hindi niya ako na-gets.

Nabigla ako ng puno ng lambing niya akong niyakap habang inuumpisahan na niyang halikan ang ilalim ng tenga ko.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Where stories live. Discover now