Chapter 14

215K 1.7K 199
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Allison! Matagal ka pa ba dyan sa cr? Nilalamig na ko dito oh! Pakibilis naman."

"Ang kulit mo naman! Sabing kakasimula ko pa lang dito eh, kakapasok ko pa lang diba?"

"N-Nilalamig na 'ko."

"Tsk. Sa kabilang kwarto ka na lang pumunta, gamitin mo yung bathroom dun, aba matagal pa ko dito!"

"S-Sabay na lang tayo."

"A-ano!"

"S-S-Sabi ko sabay na lang tayo."

What the!!

Mabilis na kinuha ko ang robe ko at nagmamadaling ibinalot ko 'yon sa hubad kong katawan, mula sa loob ng bathroom ay binuksan ko ang pinto.

"Waaaaaaah! Tristaaan!"

tili ko dahil sa sobrang pagkagulat. Pano kasi pagbukas ko ng pinto ay napahiga si Tristan sa sahig papasok sa loob ng bathroom, nakasandal siguro siya kanina sa pinto kaya nung binuksan ko, ayan tumaob siya.

"A-Aray.Bakit ba hindi ka man lang nagpasabi na bubuksan mo pala 'yung pinto. Aaah sh*t, ang sakit." daing niya habang sapu-sapo ng palad niya ang kanyang balakang.

"Tanga talaga oh. Eh sino ba kasing may sabing sumandal ka dyan sa pinto?"

reklamo ko habang tinutulungan ko siyang tumayo. Pigil-pigil ko ang tawa ko. Pano ba naman kasi 'yung style ng pagkabagsak niya sa sahig nakakatawa, nakadapa siya na akala mo'y nag-dive sa pool na walang tubig.

"Hey, what are you laughing for huh?" nakangiwing tanong niya sakin nang makita niya siguro na bigla kong tinakpan ang bibig ko, nahalata niya siguro na lumulubo 'yung pisngi ko kapipigil ng tawa. 'Nung napansin niya 'yon ay tuluyan na 'kong napahalakhak.

"W-Wala. Hahaha! Para ka kasing sira. Ano ba kasing ginagawa mo sa pinto? Naninilip ka noh?" tatawa-tawang wika ko sa kanya.

"Naninilip? Ako? Bakit kita sisilipan, eh nakita ko naman na lahat 'yan."

proud niyang sagot na para bang ipinagmamalaki pa niya sakin na nakita na niya ang kabuuan ko. Natigilan ako sa kakatawa at binatukan ko siya ng malakas tapos sinipa ko siya sa binti niya.

"Aray! Allison nananakit ka na huh!"

daing niya habang bahagya siyang nakayuko hawak-hawak ang binti na sinipa ko.

"Manyak ka kasi."

"A-Ano! Ako manyak?"

"Oh talaga naman ah! Bigla-bigla ka na lang dyang nanghahalik. May pa-kiss- kiss under the rain ka pang nalalaman eh noh. Let's do something hot nyenyenyenye... Manyak!"

kunwari ay nako-corny-han na tudyo ko sa kanya pero ang totoo talaga nun eh kinilig ako ng bongga sa nangyari samin kanina. Feeling ko para kaming gumawa ng isang soap opera, and that was an another unforgettable moment with him.

"Bakit ka nag-responce sa halik ko kung ayaw mo naman pala? Huh? Huh?"

sacrastic na saad niya habang sinasadya niyang ilapit ang mukha niya sakin. Na-mental block ako.

"H-Huh?"

tanging nasambit ko na lang. Nakita ko siyang nag-smirk sakin at pagkatapos ay mabilis niyang isinara ang pinto ng bathroom.Nakulong kaming dalawa sa loob. Hindi ko alam, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng isa-isa na niyang tinatanggal mula sa pagkaka-butones ang basa niyang polo. Nagpanic ako!

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Where stories live. Discover now