Chapter 16

205K 1.6K 167
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Tapos na ang klase plus walang pasok bukas equals HEAVEN!! Whohoho!"


Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa way ng pagkasigaw ko sa loob ng room. Nagtinginan sakin lahat ng mga palabas na estudyante. 'Yung style ko kasi nun ay prenteng nakaupo habang nakataas ang dalawa kong paa sa upuan na nasa harap ko with matching inat effect pa at ngiti ng malapad, parang feel at home lang ang peg. Pagkalabas na pagkalabas kasi ng matandang prof namin ay nagdiwang na agad ako. Bah,pano ba naman kasi walang pasok bukas tapos the day after tomorrow is weekend na, so tatlong araw na walang pasok! Whahaha! Buhay nga naman.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong room at nakita ko si Cassie sa upuan niya na abalang nagpapahid ng mga eklavush chuchu sa mukha niya. Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko, kanina pa ko good mood, ay hindi pala, kahapon pa pala ako good mood as in good na good.Hindi ko kasi mapigilang hindi maging masaya lalo na sa tuwing naaalala ko 'yung ginawa ko kahapon sa office ni Tristan.

'Yung itsura kasi ni Ellaine nung harap-harapan kong hinalikan ang asawa ko? Oh my froggy, that was so PRICELESS! Halos maggugulong ako sa kakatawa nun paglabas na paglabas ko ng office. Whahahaha! Ang saya lang,ang gaan sa pakiramdam. Kahit paunti-unti,nakakabawi ako sa pagiging intrimitida niya sa buhay naming mag-asawa.

"Butiki!"

"Ay butiki! What the! Urggh, Allison, bakit ka ba nanggugulat?!"

Napatawa naman ako sa reaksyon ni Cassie. Nung ginulat ko kasi siya ay nag-aapply na siya nun ng lipstick kaya ayan, dumaretso sa gilid ng labi niya kaya medyo kumalat. Tumabi ako sa kanya at masayang inakbayan ko siya.


"Saan ang racket natin ngayon huh?"
 panunudyo ko sa kanya.

"Kung maka-racket ka naman dyan akala mo bayaran akong babae."
angal niya habang abala niyang pinupunasan ng tissue ang kumalat na lipstick.

"Kung makapag-make-up ka kasi akala mo mauubusan ka ng mga kolorete sa mukha, kanina ka pa dyan nakaharap sa hawak mong salamin ah. Teka, may gimik ka ba? Sama mo naman ako oh! Tamang-tama wala tayong pasok bukas!"
excited na aya ko sa kanya.Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakakalabas na dalawa para gumimik.Nakaka-miss.

"Hindi ako gigimik, may mahalaga akong pupuntahan ngayon Allison." nakangiti at medyo kinikilig pa na saad niya sakin.

Napakunot ang noo ko sa kanya.Magtatanong pa sana ako ang kaso bigla na siyang tumayo habang pandalas na ibinabalik sa bag niya ang mga ginamit na make-up kit.


"I have to go na.Bye Allison!" 'yun lang at lakad-takbo na siyang lumabas ng room at tila nagmamadali na umalis. Naiwan akong naguguluhan sa loob. Isa lang ang katanungang nabubuo saking isipan.


"Saan 'yung mahalagang pupuntahan niya?"

Malungkot na lumabas ako ng building na nag-iisa, 'yung itsura ng mukha ko hindi maipinta. Pano ba naman kasi nasanay na kong lagi kong kasa-kasama si Cassie tuwing uwian,nakakapanibago lang. Tumingin ako sandali sa suot kong wristwatch at lalong nanulis ang nguso ko ng mapagtantong alas-singko pa lang ng hapon. Tutunganga na naman ako nito sa TV sa kwarto pagdating ko sa bahay. Bored.

"Huy grabe, ang gwapo nung lalaki na nasa labas ng University!" -girl 1

"Oo nga raw! Kaya pala ang daming tao ngayon sa labas ng gate! Tara,tara silipin natin!"
-girl 2

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon