Chapter 3

300K 2.2K 211
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1 OF 3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------------------Unedited and unrevised version---------------

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko na sinamahan pa ng samu't-saring mga katok at boses ng mga maids mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Inis na tinanggal ko na ang nakakabit na headset sa tenga ko na noo'y wala ng tugtog.Na-lowbat na siguro 'yung ipad ko.

"Mam Allison, gumising na po kayo oh."

"Mam Allison, tanghali na po, parating na po 'yung mga mag-aayos, sa inyo."

 "Mam Allison, nagagalit na po si Manang Elly, bumaba na daw po kayo."

Hinablot ko 'yung isang unan sa tabi ko pagkatapos ay tumagilid ako ng pagkakahiga at mariin kong itinakip iyon sa tenga ko.Nang hindi pa rin sila tumitigil ay nagtaklob na 'ko ng kumot.

Kainis naman 'yang mga 'yan eh! alam naman nilang natutulog pa 'ko, tapos mambubulabog! 

BWISIT! Isang malaking BWISIT talaga sa buhay ko ang araw na 'to!

"Ano? nagising na ba?"

narinig kong boses ng matanda sa labas.

"Naku Manang, hindi pa po eh.Ayaw pa pong gumising, kanina pa nga ho kami tawag ng tawag kaso ayaw kaming pagbuksan ng pinto."

  narinig kong sagot ni Ate Rea, isa sa mga close kong katulong sa mansion.

"Oh sige, ako ng bahala dito, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo,"

utos ni Manang Elly pagkatapos ay narinig ko na ang pag-alis nung tatlong katulong.

Naku, eto na! 

Mas malala 'to.Lalo kong diniin 'yung hawak kong unan sa tenga ko saka pumikit ako ng mariin.Ngunit kahit anong gawin kong takip saking tenga at pag-pagulong-gulong sa kama ay naririnig ko pa rin ang mga malalakas na katok ni Manang.

Ah Sh*t!

"Allison?! Alam kong gising ka na at naririnig mo 'ko kaya bumangon ka na dyan at buksan mo itong pinto. Allison! gusto mo pa bang magalit ako say?"kalmado lang, ngunit alam kong nag-uumpisang ng mapuno si Manang Elly.

Napa-grin ako ng ngipin dahil sa inis!

Pero hindi pa rin ako tumatayo sa higaan ko, pinapanindigan kong 'wag bumangon.

Hanggang sa narinig ko na ang palakas ng palakas na katok ni Manang.

"Allison, gusto mo pa bang ipasira ko ang lock ng pintuan mo para lang makapasok ako dyan!"

   

Ayan, galit na!

Nagsisimula na siyang magtatatalak sa labas. At dahil sobrang naririndi na 'ko sa boses niya, kaya kahit tinatamad pa ay inis na sapilitan ko nang ibinangon ang katawan ko at mabilis na naglakad patungo sa pinto ng kwarto.Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na agad sakin ang nakasalamin ngunit halata sa mga mata ang pagka-imbyerna at lukot na mukha ni Manang Elly na dala marahil siguro ng sobrang galit.Inis na kinamot ko ang ulo ko habang pupungay-pungay pa ang aking mga mata dahil sa sobrang kaantukan.

Walanjo naman! Puyat ako eh!

"Manang naman, ang aga-aga pa naman oh.

And besides, sobrang antok na antok pa ak----"

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon