A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)

spinner.gif

 |Comedy-ROMANCE-DRAMA| 

 

   Allison dela Cerda, labing-siyam na taong gulang, maagang naulila sa mga magulang, pasaway, isang spoiled brat, maarte, maldita, at likas na bungangera. Dahil sa mapaglarong kapalaran, napatira siya sa mansion ni Roberto Fontanilla na siyang matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama noong pitong taong gulang pa lang siya, at iyon ay dahil sa ginawang LAST WILL AND TESTAMENT ng kanyang ama bago ito mamatay. Nakapaloob sa testamento na kukupkupin siya ng pamilya Fontanilla at ipakakasal kay Tristan Xavier Fontanilla-panganay na anak ni Roberto Fontanilla, kapalit ng kayamanang naiwan ng pamilya Dela Cerda na siyang ibibigay sa mga Fontanilla sa oras na ma-grant ang testamento. Ang akala ni Allison ay matutupad na ang pangarap niyang makasama't makapiling si Tristan na siya ring kanyang unang pag-ibig, ngunit tila yata galit sa kanya ang tadhana. Dumating kasi ang isang araw na nalaman niya ang isang napakasakit na katotohanan na halos dumurog sa kanyang puso't isipan. Pinilit niya itong kalimutan gamit ang sakrastikang pamamaraan, cutting class, gimik, pagiging pasaway, at pagsama sa mga lalaki,  ngunit  lalo lang yatang lumayo ang loob sa kanya ng minamahal.
  
     Paano nga ba niya matututunang kalimutan ang kanyang nabuong  pagmamahal para dito?  
     Pagmamahal na lalong lumalalim sa araw-araw na sila'y magkasama sa buhay.

    Matutunan din kaya siyang mahalin ng kanyang asawa kung sa umpisa pa lang ay sa kanila'y   marami ng humahadlang?

   Makakayanan niya pa kayang harapin ang mga pasakit  na darating pa sa kanilang pagsasama kung ipinamumukha na sa kanya ng kapalaran ang katotohanan na.............


     she's a wife  who has a one-sided love.

 

 

MissSONE 

   Present's

 

"A Wife's One-Sided Love"

 

 

"Nakatira kami sa iisang bahay, were sharing the same bed, were a perfect couple in the eyes of everyone, pero bakit ganun? Ang lapit-lapit namin sa isat't-isa pero feeling ko ang layo ko pa rin sa kanya? " 
-Allison

 

"Should I smile because you are my wife or cry because that's all we'll ever be?"
-Tristan

 

 

-

Comments & Reviews (160)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended