Chapter 23

156K 2K 623
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------


Migz's POV

"Ano Cassie? Kaya pa? Nakow, kaya pa 'yan! Haha Migz tagayan mo pa si Cassie para masaya!" tuwang-tuwang panloloko ni Janus sa pupungay-pungay na si Cassie.

"Hey! It's over. Hindi na iinom si Cassie."

ma-awtoridad na utos ni Jhay na noo'y abala sa maya't-mayang pag-aayos ng pagewang-gewang na ulo ng girlfriend dala ng sobrang kalasingan.

Iniling-iling ni Janus ang kanyang hintuturo.

"Ohep, hep, hep! Ang usapan walang aayaw hangga't hindi nauubos ang huling bote." nakataas ang isang kilay ni Janus na para bang nang-iinis pa.

"Aha." pagsang-ayon ko.

Tumango-tango naman si Ethan na katabi ko. Nai-grin ni Jhay ang mga ngipin niya dahil sa inis, pakiramdam niya siguro pinagkaka-isahan namin silang dalawa ni Cassie.

"Fine! Ako iinom lahat ng tagay para kay Cassie." pagsuko ni Jhay ngunit di pa rin nawawala ang pagka-irita sa itsura niya. Mabilis na sumilay ang mga nakakalokong ngiti saming mga labi nina Janus at Ethan.

"Yeah men!" sigaw ko at masaya kaming nag-apiran na tatlo na may kasama pang malulutong na halakhakan.

"Ano ba kayo ha mga tatlong ityog! Hik! Yagi niyo na lang pinagkaka-ishahan shi Jhay ko! Hik!" biglang sabat ni Cassie sa lasing na lasing na tono habang mahigpit niyang yakap-yakap si Jhay na para bang pinoprotektahan niya ang ito laban samin.

"Eh kashi naman palashing-lashing ka! Hik! Tsk. Wayang kwentang gerfrend, hik! pinapahiyapan boyfend, hik! Payibhasha mukang hito." sabat naman ng kanina'y tutungo-tungo na ring si Ailee dahil din sa sobrang kalasingan.

Mabilis na kumalas sa si Cassie mula sa pagkakapulupot kay Jhay at humarap kay Ailee. Kumunot ang noo ni Cassie,galit, habang pinipilit nitong imulat ang mga papikit ng mata.

"Hoy tibo! Anong shabi mo?! Ako hito! Hik! Kung ako hito ikaw naman mukang gorilla! Whahaha! Hik! Gorilla! Whahaha!" Turo-turo ni Cassie si Ailee habang pinagtatawanan. Agad namang tumayo ang huli at galit na ipinukpok ang dalawang palad sa lamesa.

"Anong shabi mong hito ka! Ako gorilla? Ha! Pwesh ikaw mukang kasherola!"

"Mukang pinya ka naman!"

"Lamang-lupa! Hik!"

"Hik! Maligno!"

"Mangkukulam!"

"Manananggal!"

Nang siguro'y hindi na nakapagpigil pa si Ailee ay akmang aakyat na sana ito sa lamesa para sugudin ang mortal na kaaway ngunit naging alerto si Janus at mabilis nitong nahila si Ailee, libre yakap pa.

Napailing na lang kaming mga lalaki, pano kasi sanay na kaming nakikitang nagbabangayan yang dalawa sa tuwing magkakalapit sila, mapalasing man o hindi lagi silang nag-aaway.

Matapos ang sigawan ay muling tumahimik ang paligid. Tanging ingay lang ng hangin ang maririnig.

Nandito kami ngayon sa garden katabi ng malawak na outside pool sa mansion nina Jhay. Palibhasa'y weekend na bukas kaya't naisipan naming anim na magkayayaan sa inuman tutal wala namang pasok sina Ailee, Cassie at Jhay bukas.

Sinalinan ni Janus ng alak ang baso ko.Inikot-ikot ko lang iyon sa ice cube at mabilis na ininom.Bahagyang gumuhit ang pakla sa mukha ko. Sa totoo nga lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na sunud-sunod na gabi na akong nag-iinom, nagpapakasaya, gumigimik at pinipilit na kalimutan ang lahat ng bagay na kailangan ng kalimutan sa buhay simula nang mangyari ang aksidente niya. Napangiwi ako.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon