Chapter 5

263K 1.7K 110
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Kusang bumukas ang talukap ng aking mga mata ng maramdaman ko na ang liwanag ng paligid. Nakatagilid ako 'non ng higa at nakaharap sa kabilang side ng kama. Babangon na sana 'ko at tatayo nang maramdaman ko ang mabigat na brasong nakayakap sakin. Base sa higpit ng pagkakayapos niya ay alam kong gising na siya.

Dahan-dahan 'kong inikot ang ulo ko para lumingon sa likod. Nakita ko si Tristan. Parang tanga lang. Nakapikit siya pero ang lapad ng ngiti sa labi. Muli 'kong binawi ang ulo ko at humarap ulit sa gilid. I smile. A big wide smile showing my teeth.

"Good Morning"

malambing na bati niya sakin nang maramdaman niya na gising na 'ko.

"Good Morning"

masayang sagot ko sa kanya habang 'yung mga ngiti ko ay malapit ng umabot sa mata ko dahil sa sobrang lapad.

Pakiramdam ko lahat ng lamang-loob ko sa katawan, nagtatatalon dahil sa tuwa at kilig.Ang sarap sa pakiramdam nito, na gigising ka sa umaga tapos bubungad sa tabi mo ang gwapong mukha ng mahal mo. Gusto ko tuloy magsisisigaw ng, 'Oh Yes, dream come true!'.

Inikot ko ang katawan ko paharap kay Tristan at niyakap ko rin siya na para bang batang nanlalambing. Sasamantalahin ko na 'tong pagkakataon na 'to. Naramdaman ko na rin ang paghigpit ng yakap niya sakin na para bang magnet kami na nagkadikit at mahirap ng paghiwalayin. Matagal kaming nagyakap na dalawa na wari'y ninanamnam ang bawat sandali.

What a perfect honeymoon!

Romantic place, romantic room, romantic dinner kagabi,romantic night and romantic.....

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi ng maalala ko ang nangyari samin ni Tristan kagabi. Nanlaki 'yung mga mata ko. Napakagat ako ng mariin saking pang-ibabang labi.

Oh man! Oh man!

Yung ano 'ko----

'Yung virginity ko! WALA NA!

Sumama 'yung mukha ko.

Ganun na ba 'ko ka-easy-to-get at sa unang gabi pa lang ng honeymoon namin eh naibigay ko na agad ang pinaka-iningat-ingatan. kong V-card?

Yeah, sabihin na natin na ginusto ko rin, pero... pero..... bakit ang bilis kong bumigay?

Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa panghihinayang. Naku, mukang hindi na naman ako titigilan ni Cassie kaka-kantyaw sa Lunes about dito.

Mabilis na kong kumalas sa pagkakayakap ko kay Tristan at pandalas na hinila yung isang comforter at ibinalot kong magaling sa walang saplot kong katawan.Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama.

"Where are you going, sweetheart?"

Dahil sa pagkagulat ay mabilis akong napaupo sa baba at sumandal sa gilid ng kama,hinigpitan ko ang hawak ko sa comforter na nakabalot sakin na para bang nahihiya akong ipakita ang katawan ko sa kanya.

S-Sweetheart?Kahapon ang tawag niya sakin Honey,ngayon naman Sweetheart? Aba, magaling!

" Sweetheart, 'wag mo ng itago 'yan, nakita ko na 'yan eh." proud na saad niya habang ang tinutukoy ay ang katawan ko. Napahigpit tuloy 'yung pagkapit ko sa nakabalot saking comforter. Nag-grit ako ng ngipin dahil sa inis.

"S-Shut up! or else I will kill you!" pikon na sigaw ko sa kanya, pero ang totoo niyan nahihiya talaga 'ko.

Firs time kong makaramdam ng pagkahiya sa kanya. Oh my geez. Di na 'ko virgin! Nakita niya ang lahat-lahat sakin! As in 'yung kabuuan ko? Oh man! Nakakahiya!

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon