Huling Kabanata

79.7K 1K 464
                                    

Huling Kabanata

Sampung minuto bago mag alas dose ay naroon na ang mga gamit na kakailanganin upang maisagawa ang operasyon. Magkahawak-kamay ang magnobyo habang ang matandang albularya ay nanalangin.

"Oh amang nagbigay sa aming lahat sa mundong ito, gabayan mo ang kaluluwa ang anak mong si Clarisse upang magampanan niya ang kanyang misyon, huwag mong hayaan na sinuman ang makaangkin sa buhay na iyong ipinagkaloob mo sa kanya." pigil hininga lamang na nakikinig si Clarisse sa sinasabi ng matanda kahit na hindi na siya mapakali sa takot.

Marahang umihip ang malamig na hangin na nanunuot sa bawat kalamnan niya. It brought shivers to her spine, gusto niyang yakapin ang sarili ngunit hinigpitan lamang ni Aaron ang pagkakahawak sa kamay niya na animo ayaw nitong mawalay siya kahit isang sentimetro man lang mula rito.

Limang minuto bago mag alas dose at unti-unti na siyang iginugupo ng takot at nerbiyos. Paano kung maisahan siya ni Victoria? Paano kung siya ang mapunta sa apoy ng impyerno? Naiisip pa lamang niya ang mga posibilidad na mangyari ay nais na niyang umayaw sa ideyang kinasusuungan niya.

Hindi na siya maaaring tumalikod pa, kailangan ng tuldukan ang lahat ng bangungot na iyon. She have to fight! Hindi lang para sa sariling buhay kung hindi para na rin sa pinakamamahal niya. She just can't lose her own life, she can't lose Aaron as well.

"Handa ka na bang matulog Clarisse?" tinignan muna ni Clarisse si Aaron na masuyong tumango sa kanya na animo ay binibigyan siya nito ng permiso, mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"She cannot take away your own soul, it's yours." nakakaunawang ngumiti na lamang si Clarisse at tinanguan ang matandang naghihintay sa kanyang pahintulot.

"Kung ganoon ay simulan na natin ang orasyon. Kailangan lamang ay mahanap mo ang pintuan kung saan nararapat si Victoria pagkatapos noon ay hanapin mo ang pintuan kung saan ang daan pabalik sa realidad. Oras ang kalaban natin dito Clarisse, huwag kang makikinig sa lahat ng sasabihin niya sa iyo. Ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo, palakas ng palakas ang kaluluwa niya." huminga muna ng malalim ang dalaga bago tumango.

"Opo naiintindihan ko."

"Kung ganoon ay pumikit ka na."

Nagpakawala muna siya ng isang buntong hininga at itinuon ang buong konsentrasyon sa pagpikit. Narinig niya ang kuko ng matanda na tumatama sa isang kahoy at mayroon itong sariling rhytmo, iyon ang nagsisilbi upang mapasailalim siya sa hipnotismo. Maya-maya'y nakaramdaman na siya ng pagbigat ng katawan, iyon na naman ang pakiramdam na akala mo may dumadagan sa kanya na isang mabigat na bagay paraan upang mahirapan siyang huminga.

Madilim at nakakatakot. Walang katapusang kadiliman. She's still wearing that tastefully fine and luxurious gown, inalis niya ang kanyang maskara upang mas makakita mabuti. Ilang sandali ay nasanay na rin ang kanyang mga mata sa kadiliman.

Sa harap niya ay isang napaka-laking labyrinth. She's not good in mazes, nakakahilo at nakakalito. Hindi niya alam kung saan dadaan, maraming posibilidad na exit at kung titignan mo siguro mula sa ere ay napakalawak ng labyrinth na iyon. Luminga linga siya sa paligid ngunit walang Victoria ang nasa paligid.

"What I'm going to do?!!" sigaw niya sa kawalan ngunit umalingawngaw lamang ang sarili niyang boses. Hindi ito ang oras para magpanic, hindi siya maaaring gumising dahil hindi rin naman niya alam kung paano. Saan nga ba ako magsisimula? tanong niya sa dalaga habang pinagmamasdan ang magka-sangang daan. Damn it! Sana'y noong bata pa siya ay naglaro na siya ng mazes, pagalit niya sa sarili habang nagsasalawahan sa pag-iisip.

"I'm just a tortured soul begging for life." napalingon ang dalaga kung saan nagmula ang boses. Napapugto ang kanyang hininga at nahihindak na tinitignan ang duguang si Victoria. Marahil ito ang hitsura niya noong namatay, she's wearing the same gown like hers, iyon nga lang ay puno ito ng bahid ng dugo.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon