His Wife (33) Emerald or Dreame

28.6K 257 46
                                    

 “ She’s a brat, Maxene! I can’t believe it na sinabi niya iyon sa akin! Kababae niyang tao pero siya yung maghahabol sa lalaki! Nakakahiya, diba?” natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni JC. Para siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya. Kanina pa siya nagmumuryot dahil kay Dreame. Naiinis daw siya kay Dreame kasi masyado daw childish. Naisip ko naman, hindi ba masyadong sweet yung ganun? Serious type at childish?

“ Nako, baka gusto ka lang ni Dreame talaga.” Siguro naman magiging masaya si Emerald sa ginagawa ko kay JC. Naisip ko kasi na baka manumbalik yung mga ngiti ni JC, yung dati niyang ugali. Simula kasi nung nawala si Emerald, naging bugbog na si JC sa trabaho.

“ Aish! Basta! Para siyang bata, nakakainis. Siya? Mag-aaply bilang asawa ko? Eh halos wala nga siya sa kalingkingan ni Emerald” napahinto naman si JC sa sinasabi niya, pati na rin ako, sa pagkain ko ng strawberry. Lagi niyang naaalala si Emerald. At masaya ako at kahit ganoon yung pakikitungo niya kay Emerald dati, ngayon niya naman pinapakita na mahal niya nga ito, kahit wala na si Emerald.

“ If I know, baka mahulog ka sa kanya. Huwag kang magsalita ng tapos at baka kainin mo lahat ng sinasabi mo kay Dreame” makahulugang sabi ko. Nagulat naman ako ng may mag-doorbell. Binuksan naman iyon ni Manang Cynthia.

“ So how’s Chantal?” tanong ko. Napatingin si JC sa akin at agad na nag-iwas ng tingin. Oo, ipinadala niya si Chantal papunta sa France, pinasunod niya si Hiro. Medyo masama nga yung ginagawa ni JC. Hindi niya binibisita yung anak niya, na halos dalawang buwan na ngayon. Oo, nakapanganak na si Chantal at wala namang pakialam si JC.

“ Let’s not talk about her” sabi niya sa akin at tumango na lang ako. Hindi ko naman siya masisisi eh, si Chantal ang naging dahilan kung bakit sila nagkasira ni Emerald, pero diba, may kasalanan rin si JC?

“ HELLOOOO WOOORLLLDDD~!” nagulantang kaming pareho ni JC sa isang sigaw. Nagmamadaling tumakbo si Dreame papunta sa amin. Hindi naman malaman ni JC kung ano yung gagawin niya. Kung tatalon sa pool o magtatago. Ngumiti ako sa kanya pero napahalakhak na lang ako ng madapa siya. Hindi niya siguro nakita yung isang hagdan. Nasa garden kasi kami eh.

“ Aish! Hindi ka kasi nag-iingat eh” nagmamadaling pumunta si JC sa pinagdapaan ni Dreame. Mangiyak ngiyak si Dreame kahit wala naman siyang galos. Concern is written all over JC’S face. Napangiti ako sa nakikita ko. Nakaalalay si JC sa likod ni Dreame. May future nga sila.

“ Waaaaaaah~! Ang sakit ng tuhod ko, Papa JC!” lumaki lalo yung ngisi ko at halos gusto ko ng humagalpak ng tawa ng makita kong nagiinarte lang naman si Dreame at nagkukunwarian lang na mayroong masakit sa kanya. Makachansing lang siya kay JC eh.

“ Can you please lower down your voice? Ang sakit sa tenga eh” nag-act naman si Dreame na zinizipper niya yung bibig niya at nagpatangay na siya sa alalay ni JC. Tumabi siya sa akin.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon