Chapter 22: Mad

47 6 0
                                    

(Blake's POV)




8 years old ako ng makilala ko sila, pero bago ko sila makilala si Marianne muna. Magka-kaibigan na kami noon pa, she's my bestfriend na itinuring ko naring kapatid. Mahilig akong makipag-kaibigan sa mga older sakin.

Si Marrianne yung andyan kapag kaylangan ko ng kaibigan, kapatid, nanay, lahat lahat na sobrang bait kasi niya. Hanggang sa nag-transfer siya dito sa pinas, naiwan kami don sa america tapos nalaman namin na namatay siya.

Simula non, Inalam ko kung bakit siya namatay, anong nangyare, sino ang pumatay. Lahat ng tungkol sa kaso niya inalam ko, dun ko nalaman na si Luke ang boyfriend niya, si Luke na yung tarantadong mortal na kaaway nung hayop na si Jasper.

Bumalik ako dito sa pilipinas makalipas ang ilang taon, sinadya kong sadyain ang academy para makita siya, lahat sinadya ko hinayaan kong mapalapit ako kay Red mapalapit lang sa kanya. Mapalapit lang sa kanila.

At ngayun na nakamit na namin ang hustisya para sa kanya baka matatahimik na ko, mapapatawad ko na siguro sila ng tuluyan, makaka-move on narin siguro ako ng tuluyan. Magiging okay narin siguro ako, pero yung galit ko kay Luke siguro matatagalan pa bago mabura lahat.

Tumayo ako sa harap ng puntod niya, magaan ang pakiramdam ko ngayun marahil nawala na lahat ng sakit marahil lahat ng sakit nailabas ko na.

"magiging masaya ka na siguro na nakamit na namin ang hustisya para sayo, manahimik ka na dyan bruha ka ha?"

Tumingala ako sa langit, kung nasan ka man Marianne sana masaya ka na. Ikamusta mo ako sa pamilya ko dyan sa langit.

"sana ikaw din maging masaya na"

Napalingon ako sa nagsalita, si Red? Lumapit siya sakin. Anong ginagawa niya dito? Lumapit siya at naglapag ng kandila at ng paboritong bulaklak ni Marianne sa puntod nito na kaharap naming dalawa.

"kaya ba trip na trip mo kami lalo na si Luke dahil may galit ka?"

Hindi ako sumagot, seryoso lang naman siya.

"sorry for blaming you, and I'm sorry dahil mukang matatagalan pa bago ko kayo mapatawad ng tuluyan"

I said then i sigh.

"we understand, kaya lang sana maisip mo rin na lahat tayo nasaktan. Pare-pareho lang tayo Blake"

He said again.

"yun na nga eh, Kahit anong gawin ko Red hindi ko magawa yun, baka naman tulad ng time heal wounds, time gives forgiveness din"

Natawa lang siya sa sinabi ko. Ako naman ay kunot noo lang na natahimik.

"Alam mo? Kahit mahal ko si Marianne ipinaubaya ko siya kay Luke dahil alam kong nagmamahalan sila, when she died nag-li-low ako ng pagsama sa kanila. Hindi dahil galit ako kundi dahil sobra akong nasaktan, dahil yung taong mahal mo nawala na lang na parang bula, Pero ganun talaga ang buhay di ba? So i moved on, nagawa ko naman kaya lang hindi naman maiiwasan na bumalik yon di ba? Ang kaibahan lang bawas na yung sakit, Sana maka-move on ka narin, sana si Luke din, lahat tayo Blake, sana lahat maka-move on na"

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now