Chapter 14: Its Been a Year

50 4 0
                                    

(Louise's POV)





Hindi na naulit ang nangyari noon, naglaho na lang sila na parang bula, pero hindi namin tinatanggal ang posibilidad na magparamdam ulit sila.

At tuloy parin sila kuya sa mga plano nila, pati si Ate na may boyfriend na pulis at secret agent, siya ang tumutulong kila kuya siya rin ang naatasang magbantay kay ate Blake.

Its been a long year, magbi-birthday na ulit kami ni Keila ngayon ko lalong naramdaman ang pagka-miss kay ate hindi naman kami nagkakausap, sina momsy at daduts lang ang madalas kong kausap.

"Bakit nakasibangot ka panget?"

Tumayo sa tabi ko si Kuya Luke, ang laki rin ng pinagbago ng mokong pati yung lima pa sabagay si Kuya Red medyo matino pa naman yon.

"Nami-miss ko na si ate, kulugo"

Sagot ko kay Kuya Luke and I just sigh na sinabayan niya pa.

"Wala na yatang balak bumalik yon"

Sagot naman ni Kuya sa akin.

"Ewan ko nga ba dun kuya"

Tanging nasabi ko na lang saka ako bumuntunghininga ulit.

"Louise? Luke andito sina tita Claire at tito Lyndon"

Nagkatinginan kami ni kuya sabay takbo palabas, andito kasi sila sa kwarto ko, iniwan na namin si kuya Red don. Bahala siya.

"Momsy? Daduts?"

Hiyaw ko na sinabayan ni kuya Luke, batukan ko nga.

"aray bakit?"

Hiyaw niya sabay kamot ng ulo.

"Gunggong momsy at daduts ko yan"

kakamot kamot pa siya ng ulo tinawanan lang naman nila si Kuya. niyakap ko na lang sila momsy at daduts.

"Na-miss ko po kayo"

Paglalambing ko kila Momsy.

"Na-miss kadin namin kaya kami andito"

Momsy said habang yakap nila ako ni daduts

"Si ate po?"

Natahimik sila saka nagkatinginan.

"Hindi sumama, Busy daw siya"

Sagot ni daduts.

"Busy? Nasa bokabularyo nya ba yon?"

tanong ko, natawa lang sila sa akin.

"Kumain muna tayo, tama na muna yan"

Mom said, kaya nagkayayaan na lang munang kumain. Pumasok na kami ng kusina at nagkwentuhan habang kumakain.

Sina kuya Andrei, Ricco at Niccolo naman biglang dumating kasama ni Kuya Clyde si ate na lang ang kulang reunion na.


(Blake's POV)

"Baba na Blake ano ba?"

Hiyaw ng mga gaga sa akin. Tsk. Nagsabay-sabay pa talaga sila.

"Ang iingay niyo mga gaga talaga kayo"

bumaba na lang ako ng kotse at nag-inat. Hay nakakapagod.

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now