Chapter 4: Georgina Blake

92 4 0
                                    

(Blake's POV)




Ayoko talaga pag si Clyde ang tumatawag sa akin, buong pangalan ko pa kasi talaga kasama pa extension name, yun talaga ang totoo kong pangalan kaso i used to use only Georgina Blake kasi gusto ko lang.

Pinsan ko siya, only son naman siya nina momsy at daduts kapatid ni mom si daduts dalawa lang din naman silang magkapatid.

"George?"

Speaking off, matatapos na kong magimpake dumating pa siya.

"Stop It Clyde"

Pagpapatigil ko sa anumang sasabihin niya ngayon pa lang. Ayokong marinig ang walang katapusang sermon niya.

"Ano bang kaylangan naming gawin George? Sabihin mo Ano? Lahat ng adjustments ginawa na namin, Ano pang kulang? Ipaintindi mo George. Kaylangan ka naming maintindihan"

Mahinahon ang tanong niya, for all i know Red told him to talk to me like that.

"Hayaan niyo na lang kasi ako, Hayaan niyo ko hanggang matanggap ko na ang lahat, hanggang maka-move on ako, Hanggang mawala yung sakit, Hayaan niyo kong ayusin ang sarili ko ng magisa, thats all im asking, thats all I need"

I tried to speak as calm as I could. Hindi ko parin naman nakakalimutan na mas matanda parin siya sa akin.

"George? pamilya mo kami, We only care for you, walang kapamilyang matutuwa sa ginawa mo"

Dagdag pa niya.

"Alam ko Clyde, Pero this one is only for myself, laban ko to magalit na ang lahat, mainis man kayo, wala akong pakielam, gusto kong mapag-isa gusto kong ayusin ang sarili ko ng mag-isa"

Hindi ko na naiwasang mapahiyaw.

"George?"

Pagtawag niya ulit sakin.

"Kaya ko to, kakayanin ko to"

Mariin kong sagot saka ako tumalikod sa kanya. Narinig ko na lang na sumara ang pinto kaya napabuntunghininga ako. Nakatalikod parin ako at nakaharap sa maleta ko hindi ko siya tiningnan at nanatiling nakatayo dito. Kaylangan kong lumaban habang andyan pa si keila, at sumuko kapag wala na siya.

(Niccolo's POV)

Ako si Niccolo Aguirre ang ika-tatlong miyembro ng 6SBB. Naks intro. Pft. Magkakaibigan na kami simula pagkabata, at syempre hanggang ngayon.

"Clyde? Kaninong gamot to? Ang dami"

Tanong ni Luke sa nakita niyang gamot sa gamit ni Clyde na naka-kalat.

"Kay George, may hika kasi yun saka sakitin siya"

Sagot ni Clyde habang nakaupo siya.

"She smoke sabi niya tapos may hika?"

Luke said na hindi makapaniwala, oo nga.

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now