Chapter 20: Guessing Game

40 4 0
                                    

(Blake's POV)




"Ano yan?"

tanong agad ni Macy pagkakita niya sa akin.

"Wala"

Casual kong sagot, wala naman akong dalang kahit ano e.

"Hindi yang dala mo, yang muka mo bakit hindi maipinta?"

Hindi ko siya pinansin, bahala siya sa buhay niya.

"Hoy anong gusto niyong entry ng kanta sa graduation natin? Open sila sa suggestions"

Red ask pagpasok na pagpasok nila, masyado akong busy para dyan.

"Tanong niyo sa expert"

sagot ni Brenna. Napalingon ako ng maramdaman ko ang mga tingin nila sakin. Anong kinalaman ko dyan?

"What?"

Tinanggal ko pa ang earphone ko.

"Entry natin na kanta sa graduation magisip ka, yung unique ha?"

Fiona said sabay lapag ng papel at ballpen sa harap ko, nadamay pa ko sa kalokohan nila.

"bakit ako pa?"

Inis kong tanong.

"Expert, sige na"

Brianna said. Napabuntunghininga lang ako, binabawi ko na ang sinabi ko wala silang silbi pag andito sila kasama ko. Tsk. I gave them my phone, pinakinggan naman nila yung gusto kong kanta.

"I want this one"

sabay sabay nilang sabi ng marinig nila yung kanta.

"Pakinggan niyo to guys may entry na tayo"

Andrei said, kanya kanya naman silang download nung kanta.

"Remember, gagamitin natin to sa farewell video na gagawin natin sa PDPR subject natin ha?"

Fancy said, ang arte. Bahala sila, nag-discuss na si Red about sa video namin.

"Hoy tomboy?"

Pumwesto pa ang mokong ng upo sa harapan ko, nilalakasan pa niya ang pagistorbo sa akin, akala niya siguro hindi ko siya naririnig.

"Tigilan mo ko bakla"

Sagot ko na may halong pagbabanta.

"Tomboy?"

He said again na may pagkalabit pa sa akin.

"Ano ba Luke, wag ka ngang papansin"

Hiyaw ko sa kanya, its dejavu.

"Ikaw kaya ang papansin"

pangaasar parin niya.

"Muka mo Luke"

Sagot ko, bwisit siya, feeling close.

"Gwapo syempre"

"Joke yun?"

"Syempre hindi"

Sa sobrang inis ko binatukan ko siya.

"Bakit ka ba nambabatok?"

I Hate That Bad Boy - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon