Chapter 12: We the Kings of Bad Boys

50 4 0
                                    

(Louise's POV)




Nakakatuwa na kahit papaano napakabilis kong mag-adjust. Siguro dahil andun yung lukso ng dugo? Natulungan nila ako ng maayos para makalimot at makapag-adjust ng mabilis. Natulungan nila ako na mag-adopt sa panibagong mundo na biglang bumago ng buhay ko. At masaya ako, nagagawa kong mag-adjust without pressuring or forcing myself.

"Kuya? Nagkasundo na ba kayo ni ate Blake kahit isang beses lang?"

Tanong ko kay kuya Luke, at natawa naman agad siya dahil doon.

"Hindi"

Natatawa parin niyang sagot na proud na proud pa.

"sinasabi ko na nga ba eh, pero bakit ganun ka sa kanya nung birthday ko?"

Curious kong tanong, kasi kakaiba talaga siya non.

"Trip ko lang and i felt like that, feeling ko thats not the right time for fun"

Sagot niya na parang seryoso talaga siya doon.

"Ewan ko sayo panget, eh si kuya Red may gusto ba siya kay ate?"

Tanong ko ulit sa kanya.

"Ewan ko itanong mo yan sa kanya"

Tipid niyang sagot. Hmp.

"Eh ikaw kuya?"

Tanong ko muli at pinaningkitan ko pa siya ng mata.

"Ako? Sus, Di kami talo no, tomboy yun at gwapo ako"

Pagpapalusot ni Kuya.

"Sus Kuya, muka mo"

I teased him then laugh at him.

"Gwapo ako"

Pagputol niya sa pagtawa ko.

"Ang dami pa namang manliligaw ni ate, ang daming nagkakagusto dun nako, sige ka bahala ka dyan"

Pangaasar ko parin kay Kuya.

"Kanino?"

Sabad ni kuya Clyde na ikinalingon namin sa kanila, dumating na pala sila. Dumiretso sila ng upo katabi namin at kasama niya na din yung apat. Andito kasi kami ni kuya Luke sa tambayan nila. Break time kasi.

"Kay ate George Kuya Clyde, ang dami kaya nong suitors, nako pumipila sila sa office ni Ate palagi, bawal kasi sila sa bahay nagiging amazona si ate kapag sa bahay sila pumupunta, so no choice sila sa company sila pumoporma, at alam niyo ba ang pinaka-gusto ko dun sa kanila ay si kuya Kier McKimson, nako botong boto ako dun napaka-gwapo kaya non at ang bait pa"

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now