Chapter 2: Luke and Luis

131 7 0
                                    

(Blake's POV)




kagabi pagkatapos naming kumain nagaral lang kami ni Red sandali tapos natulog na kami, hindi ko narin nakita yung mga mokong na kakambal niya, sabi ni Red umalis daw sila at nag-bar. Ang laki talaga ng pinagkaiba ng kambal, g*go yung isa at mabait yung isa tsk. Ang malas ni Red sa kakambal niya.

Bumaba na lang ako kaagad pagkatapos kong magayos ng sarili ko at ng gamit ko, maaga na naman kasi ang pasok namin ngayon. Paglabas ko ng kwarto ko at pagbaba sa hagdan ay napansin kong para na namang tinapahan ang bahay sa usok, grabe talaga mukang alam ko na kung sinong may pakana nito.

"Oh? Blake? Good morning"

Bati nung tatlong impakto na nasa sala ng makita nila ako. Nagluluto na Siguro si Red, naaamoy ko na ang bango ng pagkain sa kusina e, at isa pa siya lang ang wala dito ngayon.

"Walang magandang umaga kapag kayo ang nakikita"

balik bati ko sa kanila para hindi naman sila mapahiya, tumawa lang naman sila sa akin, mga baliw din ang mga to eh.

"Hoy tomboy, hindi porke pinoprotektahan ka niyang kapatid ko magsisigasigaan ka na dito ah"

Hiyaw ni Luke na halatang halata pa ang hangover sa muka niya, hindi ba naman maipinta eh.

"pino-protektahan ka dyan, nababaliw ka na ba? May karapatan ako sa dorm na to, dorm namin to no, kayo lang naman ang sampid dito at isa pa kaya ko ang sarili ko kahit walang pumrotekta sa akin"

Sagot ko sa kanya.

"Upakan ko na kaya to"

Asar na asar na hiyaw ni Luke.

"Pare, panis ka talaga"

Tuwang tuwa namang hiyaw nung tatlo dun.

"Hoy mga bugok, maglinis kayo ng kalat niyo"

Sita ni Red na ikinalingon namin sa kanya.

"Hayaan mo yang mga yan Blake sila ang maglilinis niyan"

Red said, as if naman talaga na lilinisin ko yan, haler? Naupo na lang din ako sa sala habang naghihintay ng almusal.

"Linisin mo na tomboy"

Pangaasar pa muli ni Luke sa akin habang nakaupo ako sa sofa.

"Baka gusto mong linisin bakla ka"

Sagot ko sa kanya, nagtawanan na naman yung tatlo dun.

"Sinong bakla?"

Biglang sigaw ni Luke.

"bakla ka pala tol eh"

"Bakla amputs"

"Dude langya ka, kaya pala nangyayakap ka sa gabi ah"

Walang ginawa ang magkakaibigan na to kundi ang mag-asaran.

"Ikaw na babae ka"

Hiyaw niya na ikinatawa ko, napatigil siya nung akmang susugudin niya na ako.

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now