Chapter 15

7K 50 7
                                    

(Nakaraan)

"Bakit naman hindi mo ko makikilala? Wala namang nagbago sa akin."

"Well, you've become a little bit taller than nung highschool, and a lot more beautiful today than before." He smiled.

"Bola, Corpuz!" I stick my tongue out. 

"No, really.." He smiled.

"I know right! Isayaw nalang natin yan!" I smiled and he chuckled. He guided me sa dance floor at nag-start na naman ang isang mahabang gabi.

Chapter 15

Tara's POV

Thursday.

Maagang kong tinawagan si Ca para icancel ang blind dte ko para sa araw na to. Kagabi kasi, napag-usapan namin ni Corpuz na lumabas naman ngayong umaga. Hindi yung lagi nalang gabi at sa bar. I accepted his invitation kasi gusto ko rin namang magkipag-hangout sa kanya dahil naging close rin naman kami noon. Another is that ayoko rin naman na maging iisang routine lang ang mangyari sa akin for this week. Date-bar-date-bar.

Ngayon, sitting-pretty muna ako dito sa bahay since hapon pa naman kami magkikita. I miss the house actually. Haha.

Nanunuod ako ng tv ng saktong lumabas sa kwarto si Kent. Nauna akong nagising sa kanya and I didn't bother to wake him up kasi wala naman kaming pasok sa trabaho. Isa pa, mukang galing bar din sya kagabi kaya for sure, puyat. Tumabi sya sa akin sa sofa. 

"Hindi ka ata umalis ngayong umaga. Himala." He said without looking at me,  instead nakatingin sa tv.

Kakapanibago, I guess. It's been three days din kasi since nagkausap kami ng matino. Inalok ko sya ng pagkain. Inilapit ko sa kanya ang plato ko. I'm eating breakfast din kasi sa sala while watching. Umiling sya. "Mamaya pa ako aalis e. Ikaw ba?"

"Ahh, baka hindi ako umalis ngayon. Wala naman kaming lakad ng barkada."

Barkada? O si Ami? Out of nowhere, bigla nalang akong nagsalita. "Why? E si Ami? Hindi ba sya available?"

Napatingin sya sa akin. Pinigilan kong tumingin din sa kanya. I keep my eyes sa tv. Tsk. Bakit ko naman biglang nasabi yung Ami na yun? I sound like a wife na nanghuhuli ng pambababae ng asawa. "Hindi naman. Bakit naman si Ami agad?"

"A-ahm, wala. Nakita ko kasi sya kahapon sa mall. Sabi nya kasama mo sya."

"Ahh, oo kasama ko sya. Pero that was very quick. Nagpasama syang mag-grocery pero after that she invited me sa dinner but I declined."

Is it just me or he's really explaining? "A-ahh."

Saglit na walang nagsalita sa amin. Until, bigla syang humarap sa akin at unti unting inilapit ang muka nya sa akin. Napapaatras naman ako. "K-kent?"

"Teka nga Tara.." Ngumiti sya ng nakakaloko. "Nagseselos ka ba kay Ami?"

Nanlaki ang mata ko at itinulak ko sya. "H-hindi nuh!" Nag-init na naman ang muka ko.

Lalong bumungisngis si Kent. "E bakit ka nagsta-stammer? Tsaka bakit ka lumalayo?" Sinumulan na naman nyang ilapit ang muka nya sa muka ko. 

Pakiramdam ko, lalo ding nag-init ang muka ko. Tumayo ako. Tiningnan ko sya ng masama. "Pinagtritripan mo na naman ako!"

He chuckled. "Pikon ka pero nagba-blush pa rin?"

Pinaghahampas ko sya sa braso. "Nakakainis ka talaga!"

Bigla nyang hinawakan ang dalawa kong kamay at hinila. Napaupo tuloy ako sa lap nya. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nya pero malakas talaga sya.

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon