Chapter 58

194K 2K 82
                                    

CHAPTER 58

Alam kong kasasabi ko lang nung isang araw na ilalayo ko ang sarili ko sakanya pero what the hell, hindi ko pwedeng takasan ang party na to. I could sense na andito sya ngayong gabi. And why not? Business world here in the Philippines isn't that big, anyway.

Hindi muna ako agad na lumabas ng kotse nang maipark na ni Theo ang sasakyan. Makailang breathing exercise pa ang ginawa ko dahil sa sobrang kabado ako. Pano kung andun nga sya sa loob? What will I say? What will I do?

Theo offered his arm, I grabbed it. Kelangan ko ng suporta ngayon. Ang cute nga naming dalawa, nakagold tie sya. Matchy matchy! We look like a real couple, only that hindi naman talaga. Someday, I have to tell him the truth about me and Dylan. Someday I have to make a choice.

While we were having our drinks and some small talks with businessmen, I saw a slender figure. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako but I saw her stare at me and when she realized I looked at her direction, she glared at me.

Napahigpit ang hawak ko sa wine glass nang nahalata kong papalapit pala silang dalawa. Idinikit ko ang sarili ko kay Theo. I didn't know if nahalata nya but I don't care. Right now, all I care about is going to the comfort room.

Sucks. Pero ang alam ko yun ang safest move. I just have to make an excuse dahil wala na akong maisip na iba pang paraan.

I need to get away from him.

Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Buti na lang at solo ko ang magarang comfort room, masyado atang busy ang mga tao sa labas.

Or maybe that's what I thought until a girl entered the room - or should I say a bitch.

"Well look who's back." Nakangising bungad nito sakin.

"Well, the goddess is." Kahit na bitter ako sa relasyon at nalalapit na kasal nila ni Dylan, hindi pa rin talaga maalis ang pagkabwisit ko sa ugali ng babaeng to.

"What? But I never left." She said equally with a smirk on her face.

"I said goddess, not devil." I smirked back at her.

"Tignan mo nga naman ang mga talunan, talagang nagiging palaban." Natatawa pa nitong sabi.

"Tignan mo nga naman ang mga taong walang hiya, lalong kumakapal ang mukha." Bawi ko sakanya.

Bigla kong naramdaman ang mahigpit nyang hawak sa braso ko at marahas akong hinarap sakanya tapos ay tinignan ako mula ulo pababa.

"Look at you, kawawa kang nilalang. Dapat nakita mo na akong threat the moment you saw us reunite in San Juan. You should have marked your territory properly, kaya yan, naagawan ka, nawalan ka. See? Ako ang pinili nya." she said like as if she's disgusted to see me.

"Well, look at you, a desperate bitch." I said and then before she could say anything, lumakad na ko palayo. Hah! Hindi lang yun! Binunggo ko pa talaga sya. Kulang pa yun!

“He remembers you now!” Pahabol pa nito. “But he can’t remember the feeling anymore.” She said with a triumphant voice. She’s already getting into my nerves!

I faced her and I looked at her with a smirk. “Sorry, honey, but he can’t remember anything about you too.” Nakita ko ang pagpula ng pisngi nya. Hah! Totoo naman. Dylan might hate me, he might be marrying this bitch but I know for a fact that he is not in love with her. He only stays with her because of.. that kid I saw.. anak nila. Yes. Kaya pantay lang kami.

Huminga akong malalim pagkalabas ko ng comfort room. I scattered my eyes around to find Theo and when I saw him, I took a deep breath again and composed a fake smile. I tried to walk with poise kahit ang totoo nyan ay nagmamadali na talaga ako na makapunta sakanya, pakiramdam ko kasi na-suffocate ako sa loob ng CR.

Thank goodness at hindi na nya kasama si Dylan, ibang businessman na yung kausap nya.

It was around 8:30pm when the program started. Few speeches were delivered and then there was this certain international artist na nagperform. The part continued, dance floor had been opened.

"May I take you to dance?" Napalingon ako sa taong nagtanong.

Flashy. His smile is very flashy. I felt my heart skip a beat dahil talaga nga namang napakagwapo ng nilalang na to.

"Always." I said tapos ay tinanggap ko ang kamay nya.

"You are as beautiful as ever." Panimulang sabi ni Theo nang nakarating kaming dalawa sa dance floor. He held my waist at ako naman ay iniyakap ko ang mga kamay ko sa batok nya.

"Bolero ka talaga as ever." Make face kong sabi

"Kahit pa magwack face ka dyan, maganda ka pa rin talaga." Nakangiti nitong sabi.

I felt safe and secured dahil sa ngayon ay halos kayakap ko na si Theo. Pakiramdam ko pag andito sya, hindi ako magagawang saktan ni Monica o di kaya ni Dylan. Yun bang parang may malaking pader na nakaharang sakin sa reality.

And I love that feeling.

But it didn't last long.

Nang patapos na ang kanta, naputol ang pagsasayaw namin ni Theo.

"May I have the next dance?"

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon