Chapter 26

244K 2.5K 50
                                    

CHAPTER 26

Maxine’s

Hindi ko na muling nakita si Dylan after that encounter. I am not in the mood para makita rin sya anyway. Nasaktan ako eh. Nagseselos kasi ako. I sighed. What if sinagot ko na sya noon pa? What if nagsasabi naman pala sya ng totoo? What if nagsisimula na nga si Martin na sirain kami?

Puro na lang what ifs.

I decided not to talk to Dylan the following day and the day after. Bale pangatlong araw na to. I was so pissed. Hindi nga rin sya nag-abala na lapitan ako eh.

“Labas nga tayo mamaya.” Yaya ko kay Faith at Roxy as we were having our dinner break. They both looked at me like as if I was joking. “What?”

“Uhm, una, 10 pm pa matatapos ang hospital shift natin.” Roxy said.

“Pangalawa, Sunday is your family day, hindi ba?” Faith added.

“Pangatlo, hindi ka nagpaalam sa parents mo.” Roxy then added again.

“Pang-apat, wala tayong dalang damit.” Si Faith nanaman.

“Lastly, kaya mo lang naman gustong magparty party ngayon dahil kay Dylan.” Roxy rolled her eyes as she said that.

Inirapan ko lang silang dalawa. “I could call my parents that we are going to party tonight. And we could find a store or a mall na open pa ng ganitong oras. Imposibleng wala. And lastly, wala akong pakialam kay Dylan. Alright?” Then I snapped at them.

In the end, they both agreed din naman. So, before we go back to our hospital duties, I called my mom.

“Yes, moooom. Mag-iingat po kami. I’ll sleep at Faith’s place.” I told my mom.

“Osya, sige. Make sure you’ll be safe. Okay?” Paguulit nito. “Ah, si Dylan kasama mo for sure? Good! Para mapanatag ang loob namin.” She said and I could even sense her smile.

“Ah, ugh, sige na po. Balik na kong duty. Bye, ma. Love you!” I said and ended the call. I sighed. Pati ba naman parents ko Dylan din ang bet?

At gaya ng napag-usapan namin, we went to find a boutique na open pa sa ganoong oras. Grabe lang. Ang hirap nga maghanap. Sino ba naman ang bukas pa ng ganung oras? Good thing at may natimingan kaming boutique na papasara pa lang kaya ayun super last minute shopping.

I didn’t bother telling Dylan. Why would I? Kaya nga ako magliliwaliw eh, dahil sakanya. Para mawala pagkabadtrip ko sakanya.

We then went to the nearest bar we saw. Ayos lang naman dahil 10 minutes lang yung byahe papunta doon. It was almost 11 kaya naman madami dami na rin ang tao. People were drinking, dancing and talking aloud.

Naghiwa-hiwalay din kaming tatlo after having a table. I went to the bar and ordered some drinks.

“Hey, miss.” Someone called. Nang lingunin ko sya ay nakasuot ito ng fit na puting v-neck shirt. And he looked so damn good. “alone?” He asked.

“Wala naman akong nakikitang katabi ko.” I playfully answered.

“Edi okay lang na samahan kita?” He asked.

Tumaas ang kilay ko. “You didn’t ask yet if I want your company.”

“I know you would.” Aniya sabay tawa. Sinabayan ko rin sya ng tawa. Nilibre nya ako ng ilang drinks. We talked and talked until we both realized na hindi pa namin kilala ang isa’t isa. “This might be a bit late but I’m Alex.” Pagpapakilala nito.

I laughed at him at inabot ko ang kamay nya. “Maxine.” We shaked hands. “Let’s dance?” Aya ko sakanya. Pumayag naman sya. I was a bit tipsy already, alcohol was kicking in kaya malakas ang loob ko. Besides, Alex looks harmless. Alright, he’s sexy and I bet he wants to get in between my pants but I think he’s not the rapist type of guy.

Hindi ko na namalayan kung nakailang sayaw kaming dalawa. Basta ang alam ko, when we starTed dancing, marami pang tao. Hanggang sa ngayon, medyo maluwag luwag na. Nagsiuwian na ba ang ibang tao? What time is it anyway? Nah, why would I care nga pala? I came here to have fun ‘til the sun comes up. At nawala na nga sakin ang epekto ng alak, goodness, I need to drink again later. I’m already sober!

“Woohooo!” I screamed dahil nagsimula uli mapuno ang dance floor. Alright! This is really fun. Napansin ko din na medyo nalayo na ako kay Alex. When I saw him, he wasn’t dancing alright, he was trying so hard to look for me but the lights were so dim and there were girls twerking before him. I laughed. He looked silly!

“Ayy!” Muli akong napahiyaw nang may humili sakin. “Wow, wait lang!” I said while laughing. I can’t see kung sino ang humihila sakin pero parang lalaki, mas malaki kamay kesa sakin eh! “Wait nga, let me go!” Medyo iritado ko ng sabi.

We suddenly stopped sa hindi masyadong crowded area. Then he faced me. God of gods! Holy shit! Dylan!

“Anong ginagawa mo dito?” I hissed at him.

“Ikaw ang dapat sumagot nyan.” Sagot nya. “We have to talk and we are not doing it here.” aniya sabay hila uli sakin.

“Aray ko naman, Dylan!” I protesTed.

“Nagrereklamo kang hinihila kita pero wala kang reklamo habang kung sino sino ang kinakasayaw mo!” Galit nitong sabi. Aba, ang kapal ha! Sya pa ngayon ang may ganang magalit?! Tinulak ko nga. Pero yun nga lang, nahuli nya muli ang kamay ko at hinila ulit ako.

“Wait lang, yung purse ko!” Pagdadahilan ko.

“Forget it, nasakin na!” Sagot nya habang hinihila pa rin ako papuntang kotse nya. “Get in.” aniya habang nakabukas ang pintuan ng passenger’s seat. I just stared at him. “I said get in, Maxine.” Utos nyang muli pero hindi ako nagpatinag. “You will get yourself in o bubuhatin kita at ako mismo ang magpapasok sayo.” Seryoso nitong sabi.

Ugh! I raised my hand in surrender. “Fine! Fine! Papasok na!” 

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon