Chapter 2

380K 4.2K 168
                                    

CHAPTER 2

"Sino ka?! Bakit ka andito?!" Agad kong tanong nang makita kong walang red colored na shake ang naitapon sa ulo nya, therefore, hindi sya ang taong dapat kong kasama.

"Why ask me that? Ang pagkakaalam ko, ikaw ang humila sakin." Nakabungisngis syang nakatingin sakin habang ang mukha ko naman ay paniguradong hindi maintindihan. Ang his voice really sounded so familiar! Parang narinig ko na sa kung saan. I just shrugged the thought.

"Eh bakit ka sumama?! You could have stopped me! Dapat nagpumiglas ka!" Natataranta kong sigaw. And I know nakukuha na namin ang atensyon ng lahat.

"Oo nga, dahil sa ngayon late na ako sa team practice at malamang 20 laps ang ipapatakbo sakin ni coach. Well maybe I like how soft your hand is." Aniya kasabay ng mapaglarong ngiti.

Ugh! Wala syang pinagkaiba sa mga typical na lalaki! Mayabang! Arogante! Mapagmataas! Babaero! Gwapo! Maputi! Matipuno! Ugh, okay, shit. Remind me to regret what I have just said.

"Ugh! Ewan ko sayo!" Naiirita kong sabi. I was about to turn my back upang tunguhin ang pintuan ng room ko nang bigla syang nagsalita.

"So am I your boyfriend now?" Mapangasar pa nyang sabi habang hindi pa rin nawawala ang mapanglaro nyang ngiti kaya mas lalo akong nakakairita.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko kanina." Mataray kong sagot.

"Pero ako ang hinila mo." Sagot nya pabalik. Talagang mas lalo akong naiirita sakanya. "So, pwede bang malaman ang pangalan ng girlfriend ko? By the way, I am - "

"Dylan!!!" Naputol ang sinasabi nya nang biglang may matinis at malakas na boses kaming narinig.

Oh, lucky me, si Tessa pala iyon na ngayon ay papalapit sa kinatatayuan namin. What's her business here? Nagtataka kong tanong nang maalala kong dito nga rin pala ang klase nya. Great. Now I reject na sinundan ko ang kurso ng mga dati kong kaklase.

Napansin ko ang paglingon ng lalaking kausap ko sa direksyon ni Tessa.

"Hey, Tessa." Nabigla ako sa narinig ko. He called Tessa? Magkakilala sila? Sya yung tinawag ni Tessa? So Dylan ang pangalan nya?

"My god, babe! Why are you still with her?!" Naiinis nyang sabi nang makalapit sya samin. I love seeing her pissed. Lihim na napataas ang sulok ng aking labi. "And you, loser, bakit mo hinila ang boyfriend ko?! Malandi ka talaga!" Sigaw nya.

"Whoa, chil out, babe. I am nobody's boyfriend." Natatawang sabi ni Dylan na sya namang ikinasinghap ni Tessa. That caught her off guard at otomatikong napalitan ng saya lahat ng nararamdaman ko.

Burn, bitch! Sigaw ko sa isip ko.

"But you totally look.." paguumpisa muli ni Dylan, lahat kami ay inabangan ang sasabihin nya. And I saw anticipation in Tessa's eyes, probably silently praying not to humiliate her again. "..sticky and wet, just like when you're ready for me." Dugtong nya.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon