Chapter 54

200K 2.1K 39
                                    

CHAPTER 54

It was 9:30 nang umalis si Theo para business meetings nito. Madalas sya sa restaurant pero nitong huli, napapadalas na rin paghandle nya sa iba't iba pang business ng pamilya nito pero kahit ganun, kami pa rin ang una sa priorities nito.

Maghapon magdamag kong inisip ang mga bagay bagay. Yung mga nangyari at napagusapan namin ni Theo kanina, it sure will change things now. Pero hindi ko alam.. I know I love Theo pero the thought of Dylan still affects me and it makes me feel that I am cheating!

"Mama.. gusto ko tito." Nakalabing sabi ni Luis sakin. Almost 5pm na kasi pero hindi pa rin umuuwi si Theo dito. Nasanay kasi ang mga bata na 4pm pa lang andito na sya.

"Baby, tito Theo's busy. Let's just wait. Okay ba?"

"Nooooo!!!" This time around, si Andrea naman ang nagsalita. She's going to cry. Oh my god! Ganyan talaga sya kaattached kay Theo.

"Mama, noooo!" Sabi rin ni Luis na ngayon ay nangigigil na. Ano ba tong mga anak ko. Ako ang nanay nila pero pakiramdam ko ay handa nila akong awayin para lang sa tito Theo nila.

"Okay okay. We'll take a bath and then we'll surprise tito Theo. Okay?" Sabi ko sakanila ng nakangiti. They both jumped because of happiness. Si Theo talaga ang kaligayahan ng dalawa.

I called Theo five times already pero ay hindi ito sumasagot. Baka busy talaga. Nagdalawang isip tuloy ako kung pupuntahan namin sya sa restaurant. Dun lang naman talaga yun mahahagilap dahil ang business meetings nya ay dun din nya talaga ginagawa.

I was about to cancel our unexpected visit kaso ay biglang nagprotesta ang kambal kaya wala na rin akong nagawa.

It was around 6:30 pm nang narating namin ang restaurant. Nang nakita kami ng staff ay agad kaming pinapasok doon.

Tinahak namin ang daan papuntang conference room pero ang dalawa, masyado atang exci dahil nagsitakbo sila papunta doon. Hindi naman mahirap buksan ang pintuan nun kaya ayun, nakapasok sila. Sana lang ay hindi nakaistorbo ang kambal sa business meeting ni Theo.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon