"Chapter 62: Stupid Person"

413 30 0
                                    

"Koutaro's POV"

Pangatlong araw na ngayon simula nung kinausap kami ni Jhe tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Kurt Sha na kung pwede daw ilihim namin ito kay Otoha kung sakaling makilala man niya kami.

Huwag siyang mag-alala, sisikapin namin na hindi malalaman ni Otoha ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kurt.

At syempre, heto na nga nangyari na ngayong araw. Kasama ko si Aikee na sinasamahan namin mamasyal si Otoha kahit saan man nito gustong pumunta. Wala kaming magawa kundi sumunod sa kanya.

Grabe, para siyang halimaw na babae. Wala man lang kapaguran ang mga paa sa kalalakad. Paano ba naman, kung umasta siya parang first time lang niya mamasyal, higit sa lahat walang pagod sa kadadaldal niya. Halos mabingi na nga kami ni Aikee eh, umuuo nalang kami para hindi siya makahalata na ayaw namin makinig sa kanya.

Nangyari lang naman ito simula nung nalaman ni Otoha na pagmamay-ari pala ng tito at tita ni Jhe ang isa sa sikat na restaurant ang A maid and butler w/music band cafe. Tapos, nalaman din niya na nagtatrabaho doon si Kurt Sha bilang part time lang. Kaya 'yan tuloy naging exciting sa kanya ang makitang naka-uniform work si Kurt bilang butler.

Yun nga lang, malas ni Otoha nung pumasyal siya kahapon sa restaurant dahil hindi nabigyan ng schedule si Kurt Sha para magtrabaho sa pagiging busy nito sa school kaya hindi niya nakita. Mahirap kaya ang kurso na kinuha niya doctor ba naman. Sabagay, para nga daw sa kinabukasan nilang dalawa ng kanyang girlfriend na si Jhe.

Okay, goodluck nalang bro!

Nalaman pala ni Otoha ang tungkol sa restaurant pati narin ang pagtatrabaho ni Kurt nang dahil kay Jhe.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa sinasabi ni Jhe 'yun. Hindi ba niya naisip na pwedeng makakuha ng impormasyon si Otoha sa pagpunta nito sa restaurant kahapon kapag nagtanong ito tungkol kay Kurt Sha? Maya pa nyan, aksidenteng mabunyag pa ang relasyon nilang tinatago dahil sa mga ibang kaworkmates namin.

Puwera nalang kung nangulit si Otoha kay Jhe kaya nasabi niya ang tungkol dito.

Buti nalang kamo, agad namin napansin ni Aikee ang pagpasok sa loob ng restaurant si Otoha bago pa nito magawang kausapin isa sa mga kaworkmate namin kaya dali-dali namin itong nilapitan para makausap.

At doon na nagsimulang niyaya niya kami lumabas para mamasyal kasama siya nung malaman niya na kaibigan pala kami ng tinatawag niyang fiance.

Paulit-ulit pa nga eh.

Naku, kamusta naman kaya ang nararamdaman ni Jhe sa tuwing naririnig niya ito sa bibig ni Otoha?

Obvious ba? Malamang masakit.

Kaya nga ngayong araw imbes na nasa school kami ni Aikee, heto kasama namin si Otoha namamasyal.

Maya-maya napahikab ako sabay stretching arms. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Napansin naman ni Aikee ang ginawa ko kaya lumapit siya sakin para makausap ako.

"Hehe tol Kou, mukhang inaantok na ah. Umaayaw na ba kay Otoha? Nakakapagod pala siyang kasama."

"Sa totoo lang pal, ilang beses na nga akong humihikab eh. Kung si Fia lang ang kasama ko, panigurado gising na gising ang dugo ko. Siya ang lakas ko wala ng iba."

"Asus bumabanat ah. Whahahaha ngemas ka tol pinanganak ka bang mambobola hahahaha!"

"Di ako bumabanat, nagsasabi lang ako ng totoo. Loko ka hahaha..!"

Habang nag-uusap at nagtatawanan kaming dalawa, natigil kaming bigla ng lumingon samin si Otoha na nasa unahan namin, tapos humarap siya.

"Anong pinagtatawanan niyong dalawa? Sabihin niyo naman sakin para matawa din ako. Mukhang nakakatawa kasi." ngiting sabi niya

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now