"Chapter 87: One Year Later"

42 18 0
                                    

"Jhe's POV"

Isang taon na ang nakalipas simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas para tumira ulit sa bahay namin at ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito.

Isa na akong first year college student sa Colegio University at ang kurso na kinuha ko ay Bachelor of Science in Nursing. Pangarap ko talagang maging isang nurse kaya ito ang kinuha ko para sa future ko, pero nangyari ang pangarap na iyon nung nag-graduate na ako sa high school.

HAHAHAHA! Sorry na, kuraz!

Hindi lang pala ako ang kumuha ng ganitong kurso, pati rin ang dalawa kong kaibigan, ang mga marekoy ko forEvaaah!

Sila Kristine at Jessica. Oo, nursing din ang kinuha nila. Sa Colegio University din sila nag-aaral at... magclassmates kaming tatlo.

Oh, ang saya, diba? Magkakasama parin kami hahaha! Masaya talaga, lols!

Gusto din kasi nilang maging nurse. Pangarap din nila sa buhay. Asus, baka ginaya lang ako. Walanjonez.

Ah Oo pala, nandito ako ngayon sa loob ng classroom at kasalukuyan kami na nasa gitna ng klase, nagtururo yung Prof namin, nagsusulat kami, nakikinig at syempre magulo at maingay yung ibang classmates ko.

FYI. First subject namin ito sa umaga at major subject pa kaya tatlong oras ang klase namin kay Prof Jasmine. Madugong digmaan talaga agad ito sa utak namin, walanjoh!

"Tahimik!" sigaw ni Prof. Jasmine

Biglang natahimik ang lahat at napatingin kami sa kanya tapos nagtanong siya sa amin.

"Natapos niyo na ba ang pinapasulat ko sa inyo? Nasundan niyo ba ang mga sinabi ko para i-take down note niyo?"

"Yes, ma'am!" sabay-sabay na sagot namin sa kanya, kahit na hindi pa talaga tapos ang iba na magsulat at hindi nakikinig sa kanya

"Siguraduhin niyo lang na naiintindihan niyo ang explanation na mga sinabi ko sa gagawin natin ngayon kung paano maglagay ng swero sa ugat. Isipin niyo na kunwari nagtatrabaho na kayo sa isang hospital. Isa na kayong ganap na nurse at may pasyente kayo na kailangan malagyan ng dextrose dahil nanghihina na ito, kaya ang una niyong dapat gawin ay ang paglagay ng maayos na swero sa ugat ng magiging pasyente niyo. Are we clear?"

"Yes, ma'am!" sabay-sabay ulit na sagot namin sa kanya

"Kayo ba nakinig talaga?"

"YES, MA'AM JASMINE!"

"Okay. Umpisahan na natin. Ayusin niyo na ang mga upuan at pagtapatin niyo. After that, bahala na kayo kung ilang grupo ang gusto niyo. Pwede ang dalawa, tatlo o mahigit pa. Basta ba lahat kayo masusubukan niyo kung paano maglagay ng tamang swero sa isang ugat sa kamay ng mga kaklase niyo. Kayo-kayo ang magsusubukan. Ipa-practice niyo yan today. Siguraduhin niyo lang na mag-iingat kayo sa pag-gamit at pagtusok. Kapag pumutok ang ugat i-first aid niyo agad and try niyo sa isa pang kamay. Pag-alanganin huwag ipilit. Subukan ulit sa susunod. But this is a test for your practice, okay?"

"Yes, ma'am Jasmine!"

"Puro yes ma'am, yes ma'am kayo dyan. Pinaliwanag ko na ito sa inyo kanina pa. Inulit ko lang para sa mga hindi nakikinig kanina. Akala niyo hindi ko napapansin. Mamaya titignan ko tig-isa ang ginawa niyo at i-checheck ko kung tama. Syempre, kung sino ang tama ang nagawa, yun ang bibigyan ko ng score."

Narinig namin na nagsalita si mare Jessica kay ma'am Jasmine kaya napalingon kami sa kanya.

"Hay naku, ma'am. Don't worry po. Nakinig naman kami eh. Puputok lang naman yung ugat ni friend Tine sakin."

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now