"Chapter 100: Glass Slipper"

64 20 0
                                    

"Narrator's POV"

Muling bumukas ang malaking pulang kurtina.

-Background Set: Cinderella X Snow White's Mansion-

*Jonathan The Narrator: "Marami ng mga bahay na pinuntahan sila Grand Duke at Prince Charming para lang ipasuot ang nag-iisang glass slipper sa mga dalaga sa bawat bahay para malaman kung sino ang babaeng naka-white dress na dumalo sa ballroom kagabi. Pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nagtatagumpay dahil hindi nila makita at mahanap ang babae na siyang tunay na may-ari ng glass slipper. Hanggang sa makarating na sila sa mansion na tinitirahan ni Cinderella, pati na rin ang kanyang madrasta at mga kapatid. Parehong huminto sa paglalakad sila Grand Duke at Prince Charming sa harap mismo ng pinto ng mansion."*

"Sa wakas meron ka din nasabing matino bilang Narrator. Akala ko kasi mambubusit ka lang mula umpisa hanggang dulo." walang emosyon na sabi ni Kurt Sha at napatawa ng mahina si Jonathan

Tumingin naman si Koutaro sa mukha ni Kurt Sha saka niya ito kinausap habang maingat na hawak niya ang isang pares ng glass slipper.

"Mahal na prinsipe, kakatukin ko na ang pintuan para ipasuot ang glass slipper sa paa ng mga dalagang andito sa loob ng mansion na 'to."

"Sandali. Ito na ba ang last na mansion na susubukan natin ipasuot ang glass slipper sa mga babae? Uwing-uwi na ako."

"Hindi pa. Nasa gitna palang tayo ng mga bahay dito. Wala pa tayo sa dulo ng baryo."

"Pambihira. Ilang babae na ang sumubok na magsuot ng glass slipper na hawak mo pero wala naman kumakasya sa mga paa nila. Nag-aaksaya lang tayo ng oras. Umuwi na tayo."

"Hindi pwede yang gusto mo. Ipapaalala ko lang sayo mahal na prinsipe na ang ama mong hari ang may kagustuhan na hanapin natin ang babaeng may-ari ng glass slipper. Dahil gusto ng mahal na hari na ito ang mapapangasawa mo."

"Dami pang sinasabi wala naman akong pake. Mabasag sana yang sapatos para matapos na ang lahat."

"Yeah, you wish!"

Tinalikuran ni Koutaro si Kurt Sha. Kakatok palang sana siya sa pinto nang may biglang bumukas ng pinto at agad silang sinalubong ni Henry.

"Mahal kong prinsipeeeee!!" excited na sigaw ni Henry habang naka-spread ang mga kamay niya

Yayakapin na sana niya si Kurt Sha pero agad siyang iniwasan nito kaya napayakap siya sa sarili.

Napasimangot siyang tumingin kay Kurt Sha at medyo pinatulis ang nguso niya saka nagsalita.

"Gurabe ka naman sakin, Prince Charming. Para yakapin lang kita eh.."

*Jonathan The Narrator: "Kawawang Lady Tremaine... Umasa na naman sa mahal na prinsipe. Iyak na."*

"Hindi akes iiyak, papa Jonathan. Kaya shatap ka." nakasimangot na sabi ni Henry

*Jonathan The Narrator: "Haha owkie dowkie yow! Sorry, sorry... Tuloy ang roleplay. Action!"*

Nagclear throat si Koutaro tapos tumingin siya kay Henry para ituloy ang pag-a-acting nila.

"Magandang umaga, ginang. Ako si Grand Duke at siya naman ang mahal na pri---"

Hindi natapos ni Koutaro ang sinasabi niya nang sumabat agad si Henry sa kanya sa mataray na tono ng boses nito at nakataas pa ang isang kilay.

"Alam ko! Obvious ba? Kaya nga pinagbuksan ko kayo agad ng pinto kahit hindi ka pa kumakatok. And of course i know you.. Ikaw si Grand Duke. Yung nambusit sakin kagabi sa ballroom. Pabalikan pa nga kita, divey? Kaya maghintay ka may araw ka din sakin."

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now