"Chapter 99: Ballroom"

70 17 0
                                    

"Narrator's POV"

-Background Set: Ballroom-

*Jonathan The Narrator: "Ops! Heto na ulit at nagbabalik ang pinaka-makulit na paborito niyong Cinderella x Snow White sa gitna ng entablado."*

Habang nakatayo ang tatlo na sila Shunso, Kurt Sha at Koutaro sa gitna ng stage ay nag-umpisa nang nagsalita si Shunso bilang mahal na hari.

"Bakit hindi ka magsaya anak ko? Bakit hindi ka makipagsayawan sa mga magagandang dalaga na dumalo sa ballroom na inihanda natin para sa lahat ngayong gabi?"

"Wala akong balak makipagsaya at makipagsayawan sa mga babaeng iyan. Wala akong pakialam sa kanila kahit umuwi pa sila ngayon. Mas pabor pa nga sakin iyon."

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Inihanda ko ang ballroom na ito para sayo. Ang gusto ko makahanap kana ng mapapangasawa mo ngayon. Ora mismo!"

Tumingin si Kurt Sha kay Shunso na parang nagalit.

"Huh? Ano? At sino ka naman para magdesisyon sa buhay ko, tanda?" medyo maangas na tanong niya

Natawa ng mahina si Koutaro sa narinig niya sa sinabi ni Kurt Sha at sa ekspresyon ng mukha nito kay Shunso.

Medyo napakunot noo si Shunso. Nilagay niya ang isang kamay sa dibdib niya.

"Ako ang ama mo. Ang hari sa palasyong ito. At ikaw.. Ikaw ang anak ko na si Prince Charming. Gage ka ba?" medyo maangas din na sabi niya kay Kurt Sha

Nang marinig naman ni Koutaro ang sinabi ni Shunso kay Kurt Sha ay medyo napalakas ang pagtawa niya.

Humakbang palapit si Kurt Sha kay Shunso tapos tinuro niya ang dibdib nito.

"Hindi ko alam na ama kita." mahina pero matigas na sabi niya

"Pwes ngayon alam mo na! Kaya makipagsayawan kana sa mga magagandang dalaga na andito ngayon. Dahil kanina ka pa nila hinihintay na isayaw mo sila."

Umiling ng isang beses si Kurt Sha sabay nagsalita siya.

"Wala nga akong pake. Oh di makipagsayaw sila sa mga lalakeng dumalo din sa ballroom na ito."

Medyo tumaas ang tono ng boses ni Shunso.

"Pasaway kang anak ko, Prince Charming!"

"Salamat sa papuri."

Pareho silang nagtitigan nang masama. Nagsukatan nang tingin. Hanggang sa pareho silang napatingin kay Koutaro nang marinig nila ang diretso nitong pagtawa sa kanilang dalawa.

"Ahahahaha! Hahaha! Tengeneng yan! Yung totoo? May alitan ba kayong dalawa? Ehehehe! Hahahahaha!"

Parehong nagclear throat sila Shunso at Kurt Sha kaya nagkatinginan silang dalawa pero saglit lang iyon at nag-iwasan sila ng tingin.

Lumakad si Shunso papunta kay Koutaro at tinawag niya ito sa medyo matigas na boses niya.

"Grand Duke!"

Natigilan bigla si Koutaro sa pagtawa.

"Yes, your Majesty?"

Nilagay ni Shunso ang dalawang kamay niya sa kanyang likod at pinaghawak niya. Pumikit siya ng mariin at suminghap, pagkamulat ng mata niya, galit siyang nakatingin kay Koutaro.

"Grand Duke!"

Alistong nag-salute pose si Koutaro sa harapan ni Shunso.

"B-bakit po, k-kamahalan?" natarantang tanong niya

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now